39

83 8 3
                                    

ASTRIA

Dinala na namin kanina kaagad sa clinic si Aegan matapos naming humingi ng tulong sa mga nandirito. The doctor says that he's fine and he only need a little rest kaya hinayaan niya na kaming makaalis.

Nandito na kami sa kuwarto namin ni Aegan pero hanggang ngayon hindi pa rin siya nagigising. Pinagamot lang namin ang malilit namin na sugat mula sa pagbagsak ng pader kanina.

Nalaman ko rin na we were supposed to find clues sa kuwartong iyon para makalabas kami but that unfortunate event happened, kaya hindi na naituloy. Sila Tamara at Pan naman ay sumama na uli sa mga kaklase namin while we were advised to just stay here inside our room. Kailangan daw ni Aegan ng bantay.

Nakatitig lang ako sa mukha niya ngayon. Mahimbing na mahimbing ang pagkatulog niya at napakaamo ng mukha niyang malayong malayo sa nakita namin kanina. Tila ibang Aegan talaga ang nakita ko kanina. Hindi niya magagawa sa akin iyon. Para bang may sumapi sa kanyang kakaibang elemento noong tingnan niya ang mga weapon na naroroon.

Seriously, anong meron?

Gusto ko sanang itanong ito kay Aegan the moment na gumising siya pero sabi ng doktor sa akin kanina na iwasan muna ang mga topic na nakapagpawala sa katinuan niya kanina. Maaari daw kasing bumalik doon. So hahayaan ko muna ang curiosity ko diyaan.

Aegan....

I'm really thankful na naging best friend ko siya. He's always been there through good times or bad times of my life. In my lowest times. Whenever I'm sad. He's there to comfort me. He's there to celebrate with me sa tuwing nakakaaccomplish ako ng panibagong milestone sa buhay ko. Hindi ko alam kung ano ako ngayon kung wala siya. He shaped me to be what I am today.

But...

Aegan's only my friend...

Kaibigan nga lang ba?

Hindi naman ako manhid para hindi mapansing may gusto siya sa akin. Nagseselos siya tuwing kausap ko sa telepono si Stygian. He cares for me so damn much. 'Yung mga sinabi niya nung nakaraang gabi...

Naalala ko na naman...

"You're so special to me. I hope I am special for you too."

Aegan...

Hinawakan ko ang dibdib ko at pinakiramdaman ang tibok ng puso nito. But still... it's normal. Alam kong napakadaling mahalin ni Aegan, he has that all, the looks, the attitude, the intelligence, he's 100% in all of that. Pero wala akong nararamdaman.

This heart of mine belongs to someone... someone na hindi ko pa nakikita.

Bakit ganoon?

I trailed my fingers in Aegan's cheek, napakalambot nito. Ano kayang skincare routine niya? Just kidding, haha.

I was busy looking at him when suddenly his eyes opened and he smiled at me. Kaagad akong napabalikwas sa puwesto ko at inalis ang kamay ko sa mukha niya. Hindi na tuloy ako makatingin ng diretso sa kanya.

"Astria?" he called me, kaya tumingin ako sa kanya bagaman nahihiya pa ako. "Sorry..."

"For what?" nakakunot noo kong tanong.

"Uhmm, sa inasta ko kanina? I'm sorry if I hurt you."

Nakababa na lamang siya ng tingin, tila hindi alam kung anong sasabihin. Wala ring kahit anong lumalabas mula sa mga labi ko. Para kaming nagkaroon ng silence contest sa pagkakataong ito. Whoever speaks first, talo.

I wanna say something pero hindi ko naman alam ang sasabihin ko. Should I look at him? Okay na kaya siya?

I slowly turned my head at itinaas ito nang dahan-dahan ay nagulat ako when I saw that he was doing the same.

Natawa na lang kaming parehas.

Magkaayos na yata kami.

STYGIAN | completedWhere stories live. Discover now