Hay na'ko mukhang gagastos nga kami ng ilang ream ng bond paper ne'to.


Mag-seseven pm na nang matapos namin ang lahat ng pinophoto copy. Stressed na stressed si Diana dahil ilang page din 'yon. Kung mag-isa lang siya at wala ako eh baka bukas niya pa'to matapos. Idagdag ko pa na gigil na gigil talaga siya kay Cold Vincent.

"Isinusumpa ko talaga 'yung Cold Vincent Alvareoz na'yon. Pangit sana yung makatuluyan niya, walanghiya siya."

Ngumisi ako. "Huwag kang magsalita ng tapos, baka ikaw ang makatuluyan niya." natawa ako.

Tiningnan niya ako nang nakangiwi. "Never! Hindi ko type 'yon." giit niya.

"Ows? Sabi mo bad boy gusto mo? Bad boy naman yata siya ah." sabi ko at inayos na ang table ko na puro sirang papel dahil ilang beses na nag paper jam ang ginamit naming printer. Isa lang kasi yung photo copying machine na nandito sa loob ng office ko kaya ginamit na namin pati printer.

"Bad boy? Na'ko! Mukha lang bad boy 'yon pero nerd naman talaga. Hindi siya ang type ko and he will never be. Gwapo siya pero, no."

Napangiti nalang ako at tinulungan na siya sa pag-aayos nung mga natira pang papeles.

Ilang minuto lang nang pumasok na sa office ko sina Hunter at Hot Vinxiuo kasunod nila ang limang lalaki na sa tingin ko ay mga bodyguards.

"Ilan copy ginawa mo?" tanong ni Hot Vinxiuo kay Diana.

Umirap naman ang katabi ko at tinuro ang mga pinotho copy namin. "Isang daan bawat isa, bakit?" tanong ni Diana nang may inis sa boses.

"Ay tae, 150 dapat!"

Napatigil si Diana at sobrang sama ng tingin niya kay Hot Vinxiuo. "Potang 'yan." bulong niya. Natawa nalang ako at kinuha na ang bag ko.

Lumabas muna ako sandali ng office dahil magsisiksikan kami ron kung nagkataon. 'Tsaka bubuhatin din nila yung mga photo copy.

"Geraldine."

Napasinghap ako nang may tumawag sa pangalan ko. Kinabahan ako dahil kay Hunter boses iyon.

Humarap ako nang may pag-aalinlangan. "S-Sir?"

"I'll drive you home." giit niya na ikinatulala ko. Shet, bakit naman ganito huhu?

Lumunok muna ako bago magsalita. "Sa ospital lang naman po ako kaya 'wag na po kayong mag-abala." pinilit kong ngumiti kahit awkward. Someone please save me from this!

"Your aunt called me. She said you need to go to go home."

Napangiwi ako ng kaunti. "P-Paano.."

Ngumiti lang siya at nilapitan ako. Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang akbayan niya ako. Why? Why?

"Let's go. You need to rest early." giit niya at inakay na akong maglakad. Nakatulala lang ako at pasimpleng tumitingin sa kaniya.

Mabuti nalang at kaunti lang ang mga nakakita sa'min at hindi rin sila galing sa department ko dati kaya lumuwag ng kaunti ang loob ko. Baka machismis na naman ako eh.

Napakagat ako sa labi ko nang pagbuksan niya pa ako ng pinto ng kotse. Okay lang ba siya? Hindi ba niya ako jinojoke or something? Bakit siya ganito?

Nang makasakay na kami ay agad kong binalingan ang seatbelt. Napapikit ako nang hindi ko 'to mahila. Ano ba 'to? Nasa drama ba kami? Planado ba 'to?

"Let me." rinig kong giit ni Hunter at siya na ang nag-ayos. Pinilit kong huwag gumalaw dahil konti nalang talaga ay mahahalikan ko na siya.

Infairness ang bango niya kahit ilang oras siyang nagtrabaho, hihi.

Wait what?

Nang maayos na niya ang seatbelt ay nagtaka ako nang hindi pa'rin siya lumalayo sa'kin.

"S-Sir?" nagtama ang mga mata namin kaya bumilis ng tuluyan ang pagtibok ng puso ko.

"You're really beautiful." ngumiti muna siya bago lumayo.

Natulala ako at napangiti nang tuluyan. Napatakip ako sa mukha ko dahil siguradong sobrang pula na ng pisngi ko. Hindi ko rin mapigilan ang pagngiti ko. Huhu, bakit ako kinikilig?

I heard him chuckle. Bakit ang sexy? Waaaahhh!! Geraldine ano ba, maghunos dili ka!

DuplicateWhere stories live. Discover now