7:50 am na at kung magtatagal pa ako ng sampung minuto dito sa labas ng kompanya ay siguradong malelate na ako. Ugh, nakakainis talaga!

"Geraldine!"

Halos mapatalon ako sa gulat nang may magsalita sa likod ko. Hinarap ko siya at nakitang si Zoya ito kaya napangiti nalang ako.

"Bakit nandito ka pa sa labas? Parang wala ka yatang balak na pumasok?" tanong niya. Napanguso ako. Papano ba'ko magpapaliwanag sa kaniya?

"Ah kasi..."

Ngumiwi siya. "May pinagtataguan ka 'no? Sino naman 'yan?" tanong niya ng may mapanlokong mukha.

Napapikit ako at parang nawala sa mood. Hays, pwede bang hindi nalang pumasok? Huhu...

"J.G.!"

Napamulat ako nang marinig ko ang boses ni Hot Vinxiuo. Nang balingan ko siya ay nakita kong kasama niya si Diana. OMG, dito ba sila ngayon? Waaahhh sana nga!

"Good morning po, Sir." bati ni Zoya nang makalapit si Hot Vinxiuo.

"Hello, beautiful." bati pabalik ni Hot Vinxiuo. Siyempre hindi mawawala ang wink niya as a friend.

"Una na'ko, Geraldine ha? Baka mapagalitan na naman ako ni ano..ah basta. Bye!" giit ni Zoya at patakbong pumasok sa kompanya. Natawa nalang ako. Si Candy na naman, hays.

"Dito ba kayo ngayon?" tanong ko kay Diana. Tumango naman siya at nakita kong parang hirap na siya sa binubuhat niya kaya't tinulungan ko siya.

"My twin brother needs to do something so, ako muna ang pinapunta niya dito. We need to talk about the Mafia organization so, mukhang magkasama kayo ni Magdalena for the whole day."

Hindi ko naitago ang tuwa ko. Yes! Hindi ko makakausap si Hunter ng matagal! OMG!!!

"Pasok na tayo." giit ni Diana. Tumango naman ako at naglakad na papasok sa kompaniya.

"Hey bro, I'm here!"

Napangiti nalang ako nang lapitan ni Hot Vinxiuo si Hunter at niyakap niya ito. Ang sweet HAHA.

"Where's your brother?" tanong ni Hunter dito at mumunting tumingin sa'kin. Umiwas ako ng tingin. Ugh, ayan na naman siya!

"Hindi ka ba niya tinext? Hays. Ako daw muna ang papalit sa kaniya. May pupuntahan daw eh." giit ni Hot Vinxiuo at umupo sa upuan ni Hunter. Nagpaikot-ikot pa ito.

"Napakachildish talaga." rinig kong sabi ni Diana. Natawa nalang ako. Hot Vinxiuo's really jolly.

"Sa'n daw siya pupunta?" tanong ni Hunter at umupo sa may couch. Napatingin siya sa'min ni Diana. "What are you doing there? Sit here." sabi niya sa'min. Agad namang sumunod si Diana at umupo sa dulo.

Shet, katabi ko si Hunter? Ugh!

Bagsak ang balikat ko nang umupo ako sa may couch. Tatlo lang kasi ang kasya do'n kaya dikit na dikit ang braso ko kay Hunter. Huhu, how to die?

"Walang sinabi si Cold kung sa'n siya pupunta. Kaunti na nga lang iisipin ko na na may babae 'yon eh."

"Isn't that great?"

Tumayo si Hot Vinxiuo at sa mesa naman ni Hunter umupo. "It's great. Biro mo yun? Ang kambal kong napakacold eh nagmamahal naman pala ng tunay."

Natawa kami ni Diana sa page-explain niya. "Hoy umayos ka nga. Sa upuan ka umupo." giit ni Diana. Binelatan naman siya ni Hot Vinxiuo na parang bata.

DuplicateWhere stories live. Discover now