Chapter X

1.9K 62 0
                                    

"Hello?"

"E-Ellena?"

"Yes. It's me."

"Where have you been?! Bigla ka nalang nawala ng almost 1 month!! Alam mo bang pinalitan ka na sa role mo sa Scared to Death?! At ang daming balibalitang buntis ka! Nakidnap at kung anu ano pa! Ano bang nangyayari sayo! Nasan kaba?!" Sigaw ni Bernardo, yung beki na manager ni Ellena, alam naman nyang galit ito pero tinawagan pa rin nya dahil kahit papaano, manager pa rin nya yun. Lalo na ngayon at buo na ang dedisyon nyang bumalik sa trabaho.

"Calm down.. we'll be meet again, soon." Sabi nalang ni Ellena at pinatay na yung phone nya para hindi na ulit makatawag yung manager nya. Ang totoo ay nasa mansyon na nya sya kasama sila Mico, Cassey at Adrian na doon narin titira, utos iyon ng kanyang ama.

Bumangon sya sa pagkakadapa sa kama nya at dumiretso sa banyo upang maligo na. Pupuntahan nya ang manager ngayon, nasa planner nya na ang araw ngayon ay taping ng Scared To Death at isa sa alaga ng kanyang manager ay si Aurora, na ngayon ay ang bida sa pelikulang ang dapat ay sa kanya, at ngayon, susurpresahin nya ang set. Pupunta sya, ng may malaking pagbabago.

'Malaking pagbabago' napangisi pa sya sa naisip nya.

"O-oh? Aalis ka?" Biglang tanong naman ni Adrian nung makita syang pababa ng hagdan at ayos na ayos.

"I'm going to meet my manager" sagot nito at tinanguan nalang sya ni Adrian.

"I'll come with you" simpleng sabi ni Adrian kaya't ngumiti nalang si Ellena bilang pagsang-ayon.

"San punta?" Singit ni Cassey na may hawak pang pop corn. Palabas na sana sya ng bahay ng bigla ngang magtanong si Cassey.

"Sa set." Simpleng sagot naman ni Ellena at tumango tango si Cassey bago puntahan ang asawa. Tumuloy na sila sa garahe at nagsitungo sa kanikanilang sasakyan.

"Handa ka na ba?" Napahinto naman si Ellena sa pagbukas ng pintuan nung magtanong sa kanya si Adrian. Hinarap nya ito nang may pagtataka.

"What do you mean?" Takang usad ng dalaga at lumapit naman sa kanya si Adrian.

"Ang bilis ng pagbabago mo. Hindi kana engliserang masungit. Haha pero handa kana ba talaga? Na makilala ang bagong ELLENA CARLY, ang bagong IKAW.. Hahaha" sagot nitong natatawa na may kasama pang panduduro sa noo nya, natigilan si Ellena, bahagya itong nagisip.

Ang bagong ikaw..

'Ito ang totoong ako..'
tumingin sya kawalan at dahan dahang ngumiti.

"Yes, and actually I'm really excited..to see him" sagot ng dalaga at lumipat ang makahulugang tingin kay Adrian. Bakas sa mukha ng binata ang pagtataka pero agad din namang naliwanagan nang makuha ang pinupunto ni Ellena.

"Kaya nga kita sasamahan ehh.. dahil gusto kong sabay nating mahaharap yung assuming na make-mate mo!" Hahahh" tatawa tawang sabi ni Adrian pero bored lang namang tiningnan sya ni Ellena.

"Tama na nga satsat!" Sabi nito at binuksan ang pinto ng kotse nya. Bago pa man sya makapasok ay muling nagsalita si Adrian.

"You're really look CUTE whenever you speak tagalog! Hahahh" si Adrian pero tinanguan nalang sya ni Ellena sabay sibat.

'Tch! Maganda ako at hindi cute' ngingisi ngising sabi ni Ellena sa isip.

Habang nagmamaneho ay hindi maalis sa isip ni Ellena kung paanong surpresa ba ang gagawin nya.. at kung ano ang magiging reaksyo nila doon.

Magiging masaya ba?

Paano?

Sa halos isang buwan nyang nawala ay paniguradong dudumugin sya ng tanong ng buong mundo. Siguro ay maraming masasamang ibabato sa kanya..

'Lalo na ngayon at nagbago ako' sa isip ng dalaga ay bahagyang ngumiti.

. . . .

Nakarating sila matapos ang 35 mins. Ang set ay ginaganap sa isang simbahan.. alam nya ang eksenang ito, yung dito matatakot ang Bampira.

Tss! Kalokohan! Isa rin akong Bampira pero hindi ako takot sa Diyos! Usad ng dalaga sa isip habang taas labing pinagmamasdan ang set.

"Shall we?" Napatingin sya sa gilid nya nang magsalita si Adrian na kakapark lang ng kotse. Napasmirk si Ellena tyaka sumagot.

'This is it!'

"Let's go" usad nito at lakad modelong lumapit sa set.

Nung una ay wala pang gaanong nakakapansin sa presensya nya pero nagbago iyon nang biglang..

"Cut!" Sigaw ni Adrian upang kuhanin ang atensyon.

Unti unting napatigil ang mga tao sa taping na iyon. Nakangiting naglalakad si Ellena habang diretsong nakatingin sa mata ng direktor na hindi nya manlang nagagawa dati.

"E-Ellena?!"

"A-ahh?"

"*smirks* Good Morning, Derek!" Bati nya sa direktor na nanlalaki ang mata sa gulat. Nilibot nya ang paningin nya.. meron syang hinahanap..

"Ms. Ellena, bakit bigla kang nawala?"

"E-Ellena.."

"Oh my gosh!"

"*smirk* Welcone back mate." Sa lahat ng nagsalita ay si Daryl lamang ang pinansin nya, kahit pa sobrang hina ng boses na iyon ay malakas nya paring narinig. Nakangisi ito sa kanya at ramdam nyang pilit pinapasok ang isip nya.

"Tigilan mong pagtawag sakin ng mate dahil hindi ikaw ang mate ko.." Sabi ni Ellena pero hindi sya literal na nagsalita. Sa pamamagitan ng pagpasok ni Daryl sa isip ni Ellena ay nagsalita sya dahil alam nyang makakarating iyon sa binata. Gulat na gulat itong nakatingin sa kanya habang dahan dahang nawawala ang pagkaka-ngisi. Natawa si Ellena sa isip nya at napa iling.

"Don't you going to WELCOME us?" Nakangiting tanong ni Ellena na nakapagpanga-nga sa mga tao naroroon.

"Ellena? W-what happen t-to y-yo-you?!" Nilingon nya ang manager nya saka sya biglang tumawa..

"Hahahahahahahahahahahahahh!" Tinginan ang lahat sa kanya. Eto kasi ang kauna-unahang nakita nila ang tunay na tawa ni Ellena.

"I'm back with NEW, manager. How was it?" Matamis na ngiti ni Ellena at bigla nalang tumakbo palapit sa kanya ang manager nya kasabay nun ang biglaang yakap.

"My god! Ellena.. Thank, God you're safe and.m... I-I'm surprised! It was wonderful! Really wonderful! Bongga kana! Pak na pak Ellena! Type ko yang bait baitan acting mo!" Naiiyak na sabi nung manager nya at kitang kita nya ang biglang pangingitian ng mga tao doon..

"O-oh! Haha" natatawang usal ni Ellena at niyakap rin ang manager. Ngunit habang yakap nya ang manager ay biglang tumalim ang tingin ni Daryl.

"Ano'ng nangyari sayo?!" Pasigaw. Pagalit. Pasinghal.. Humiwalay sya sa Manager nya at dahan dahang nilapitan si Daryl. Lahat ay nagtaka, kasama na ang mga iba pang-artista at staffs pero ang higit na nagulat ay si Adrian.

Ang mukha ng binata'y waring nagtatanong! "Bakit ka lumapit sa kanya.. Ellena?!"

"Long time no see.. Prinsipe!"

. . . . .

"Habang may nawawala, paniguradong may darating. At sa oras na mawala ka.. mabubuhay sya.. ang pinakamamahal ko! Muling paparoon!" hiyaw! Biglang nagising ang dalaga.. hindi makapaniwala.. ano'ng nangyayari?! Dama nya iyon. Alam nyang boses nya iyon. Wala syang panaginip! Ngunit ang mahimbing nyang tulog ay ginising ng isang malakas na tinig. Tinig na hindi nya kailanman ipagkakamali..

Sariling tinig..

"Felomi.." iyak ng isang prinsipe, agad syang napalingon sa pintuan, lumuwa doon ang isang bata.. Ang batang iyon ay maduming tumakbo palapit sa kanya.

"A-anong nangyari?!" Nag-aalalang tinig. Nangungusap ang mga mata, nanginginig sa galit ang kalooban.

Ngunit umiling ang bata. Yumakap lang bigla ito at natahimik. Kapayapaan.. kapayapaan ang hanap nya.

"Aking anak, aking prinsipe, ipaghiganti ka ni Felomi.." isang bulong..

......

The Vampire's MateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon