Chapter XIII

1.8K 56 0
                                    

Napabalikwas ako ng higa nang maramdaman ko ang malamig na yelo sa paa ko. Kunot noo akong napatingin sa paanan ko at doon ay nakita ko si Daddy na natatawa.

"Now, you're awake!" nang-aasar nyang sabi at napangiti nalang ako. Umupo ako ng maayos at inilibot ang paningin ko sa buong kwarto.

"Bakit ka naman Daddy napunta dito?" Walang anuma'y tanong ko. Kami lang ang nandito at nakatingin si Daddy sa damit na isusuot ko mamaya sa party.

"You remind me of your Mom.. she really are beautiful as you and she also love displaying her dress beside of our bed." Sabi ni Daddy na ikinataka ko. Normal naman sa mga babae ang ganon, diba?

"And?" Alanganing tanong ko.

"And she also love displaying 'that' dress." Sabi nya kayat kunot noo akong napatingin sa gown ko.

"Bili sakin yan ni Adrian" sabi ko pero napangiti si Daddy.

Wala na syang isinagot hanggang sa makarinig kami ng katok mula sa pintuan ko. Bumukas iyon at iniluwa si Cassey kasama ang mga makeup artist, stylist ko at manager ko.

"Ahh.. sige at doon muna ako sa labas. Cassey halika't samahan mo ko sa garden. May paguusapan tayo." Sabi ni Daddy at tumango nalang ako. Grabe, kagigising ko lang at hindi pa ko nakakaligo. Lumabas si Daddy at Cassey, naiwan naman ang mga kasama ko dito.

"Ellena! Bongga pala ng bahay mo. At last narating din namin to!" Sabi ni Manager at nangiti naman ako. Gulat na gulat silang napahinto sa kanilang ginagawa habang nasa akin ang tingin.

"Why?" Seryosong tanong ko na nakapagpatahimik sa lahat ngunit binasag ni Manager ang kataghimikan.

"You're more better now, Ellena. Ang alaga kong maganda, nagbalik na.." naiiyak na sabi nya at natatawa tawa ko namang syang hinagisan ng panyo.

"Ang drama mo, manager!" Sabi ko at niyakap sya. Nag-aww naman ang lahat kaya't sumigaw si Manager ng..

"GROUP HUG!!!"

Cassey's POV

"Ayoko nang magkukwento ka nalang basta basta sa prinsesa't lalo na tungkol sa kapatid nya." Seryosong tugon ng Hari ng mga bampira, ang ama ng prinsesa Ellena.

"Opo! Hindi na po mauulit." Kinakabahang sagot ko dahil sa totoo ay parang gusto ko nang maiyak.

"Paano kung hindi ako dumating doon? Paano kung nahuli ako ng dating? Paano na, Cassey?" Malumanay ngunit taglay ang galit na sambit ng hari. Mas lalo akong kinabahan at napahawak nalang sa kamay ng aking asawa. Oo, nasa tabi ko si Miko ngayon.

"Si Cleira ay dapat nang kalimutan. Tandaan nyo yan!" Pinal ang pagkakasabi nya nyan at saka umalis. Pumasok sya pabalik sa silid ng prinsesa at ako naman ay yumakap sa asawa't umiyak nalang. Napakalaki kong tanga! Bakit ko ba hindi naisip na kayang patayin si Ellena sa oras na malaman nya ang tungkol kay Cleira! Bakit ba hindi ko naisip na iisa na ngayon sila?!

"Ano ba ang buong nangyari?" Tanong saakin ng asawa ko habang hinahagod nya ang buhok ko at likuran ko.

"Sinabi ko ang tungkol sa Prinsesa Cleira kay Ellena.." umiiyak kong sabi at ramdam ko ang paghinto ng paggalaw ng kamay nya sa likod ko.  Alam ko ang dahilan.. iba ang dahilan non at ayoko nang isipin pa. Nasasaktan ako.. Hanggang ngayon pala..

"Ipagpatuloy mo.." sabi nya kaya't humiwalay ako sa pagkakayakap at naupo sa gilid ng pool at agad syang sumunod.

F L A S H B A C K..

Habang kinukwento ko ang tungkol sa Prinsesa Cleira aynakaramdam ako ng matinding kapangyarihan sa paligid. Medyo kinabahan ako pero inisip kong sama lang iyon ng loob ng prinsesa.

The Vampire's MateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon