Chapter III

2.8K 82 0
                                    

Maagang gumising si Ellena dahil ngayon ay simula ng kanyang taping para sa 'Scared To Death' nyang pelikula, di nya malaman kung bakit, ngunit kinakabahan na sya pero parang ayaw nya dahil iba ang pakiramdam nya, kakaiba nga ang kanyang nararamdaman, bago iyon sa kanya. Ni kahit kailan ay hindi sya kinabahan sa trabaho nya, kaya't kahit ganon, nilakasan nya ang loob nya because of her curiosity.

"A light make up will do" sambit nito sa make up artist nya, ang eksena ay naghahanap ang leading actor ng mabibiktimang tao ngunit hindi nya inaasahang si Ellena ang matatagpuan nya, ang leading actress..ang mate.

Mate. Bigla'y napa-isip ang dalaga.

"Sorry for being late." Nakapikit si Ellena nang marinig nya ang di pamilyar na boses. Lalaki ito at maskulado ang dating ng malalim na boses..

'The leading actor?' She mentally talking to herself, ganto si Ellena, hindi sya baliw, sadyang ayaw lang nya ng opinyon ng iba kaya sariling opinyon nya ang pinakikinggan nya.

'Maybe.' She replied to her mind before getting back for being relaxed. May naramdaman syang tumabi sa kanya, iyon siguro ang leading actor at inaayusan narin. Di nya ito tinitingnan pa.. Para saan pa?

"Okay! 5 minutes.. We're going to start. Get ready!" Sigaw ng direktor kaya dumilat na si Ellena at bumungad agad sa kanya ang repleksyon ng binata sa salamin na nakatitig sa kanya. Singkit ito at maputi, makinis ang mukha at seryosong nakatingin lang sa kanya.

"Quit it. That's rude." Sabi nya at tumayo na. Isinuot na sa kanya ang simpleng damit. Hindi nya maitatangging tama ang hinala nya, gwapo nga ito.

"Scene I! On call! 3 2 1!" Sigaw ng direktor kaya't isa isa na silang pumunta sa mga pwesto nila na kanilang nirehearse kanina ngunit di alam ng lead actor ang gagawin dahil late ito.

"Mr. Daryll, dito ka" at ipinwesto ng direktor si Daryll kung saan sa isang eskinita sila at matatagpuan si Ellena.

"In 3..2..1, action!" Sigaw ng direktor.

Gutom na gutom ang bampira, wala syang makitang tao sa eskinita kaya't nagtago muna sya.

"Selena, dito ka muna. May babalikan lang ako." Tugon ng isang supporting actress na si Sayuri, ang ganap nya ay bestfriend ni Ellena.

"Ah, eh sige!" Pagsang-ayon ni Ellena. Nang makaalis si Sayuri ay biglang pumasok sa isip nya na dapat ay sumama nalang sya, malayo rin kasi ang babalikan nun.

Sa isang banda, ang gutom na gutom na bampira ay nakatingin sa likod ng dalaga, ibig na nya itong sugurin ngunit biglang humarap si Ellena.

Napatigil ang binata, tiningnan nyang mabuti si Ellena at nakaramdam sya ng pagiging kumpleto..

"Mate.." bulong ng binata. Ang binata ay nagpadalos dalos at nilapitan si Ellena. Nakalimutan naman nitong marami syang mantyang dugo..

"S-Sino k-ka?!" Takot na takot si Ellena, gabi na at iniisip nya na baka addict or rapist ang isang to, nag-iisa pa naman sya.

Lumapit si Daryll ngunit akmang tatakbo si Ellena..

"W-WAG..." unti unting lumapit ang binata kay Ellena habang pinagmamasdan nito ang mga mata ng dalaga.. magkapantay sila ng mukha..

Pumula ang mata ni Daryll kaya't nabigla si Ellena, umatras ito at nabalisa dahilan upang magulat ang lahat dahil wala iyon sa script.

"CUT!"

'What happened? What's with that?!' She mentally talked to herself. Tumingin sya kay Daryll na nakatingin din pala sa kanya..

"ELLENA.." biglang narinig ni Ellena sa isip nya ang boses ni Daryll na tinawag sya. Naguguluhan sya.. bakit ganon?! Hindi bumubuka ang labi ni Daryll ngunit rinig na rinig nito na tinawag sya.. si Ellena na hindi marunong tumingin sa mata ng kapwa ay parang kontroladong tumingin kanina sa mata ni Daryll.. Kunot noong luminga sya sa paligid at nakitang nagtataka ang lahat. Sya lang ba? Sya lang ba ang nakakitang nag-iba ang kulay ng Actor? Sya nga ba o isa lamang itong guni-guni?!

"Ellena.."

"Ellena.."

"Ellena.."

Napahawak sya sa magkabilang tenga "Stop!" Sigaw nya na ikinagulat ng lahat ng naroon.
"Ellena, what's happening?!" Tanong ng direktor ngunit di nya iyon pinansin pa.

Ngunit biglang may reyalisasyong nabubuo sa isip nya.

Ayaw nyang paniwalaan ngunit..

Babaeng biglang nawala..

Si Lord..

Pulang mata..

Biglang pumasok sa isip nya.

Nakabuo sya ng konklusyon.

Naisip nya ang SCARED TO DEATH, ngunit hindi dahil don.. kundi..

"BAMPIRA" mahinang bulong nya na nagpatindig sa balahibo nya.

The Vampire's MateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon