Chapter XI

1.9K 62 0
                                    




Simula nung araw na iyon ay naging maugong na agad ang pangalan ni Ellena. Dahil sa biglaang pagpapakita nya sa set ay umingay ang usapang 'Kasal na sila ni Adrian'. Ngunit sadya atang matalino ang dalaga pagka't nagawan pa nyang lusutan ang mga iyon at mapalitan ang sabi-sabi ng karamihan na..

NAGBAGO NA SI ELLENA CARLY.

"Bakit ginawa mo yun?" Takang tanong ni Cassey kay Ellena habang tutok na tutok silang apat sa telebisyon.

"Which one?" Takang tanong ni Ellena kay Cassey.

"You changed." Simpleng at diretsong sagot ni Cassey at napa-ngiti naman si Ellena ng pilit.

"Dahil malapit ko nang iwan ang trabaho ko." Sagot nya na nakapagpalingon sa tatlo: Cassey, Miko at Adrian.

"I don't get you? Akala ko ba mamumuhay ka ayon sa kinalakihan mo?" Takang takang tanong ni Adrian at napabuntong hininga na lamang sya. Iniisip nya kung tama bang sabihin nya sa mga kasama nya ang kasunduan nila ng kanyang ama. Sa bagay naman at mas magiging maayos ang lahat kung ipapaalam nya, ngunit ang problema ay hindi pa sya handa.

"Cause I just want so.." pagdadahilan nya at tumingin sa kawalan. Unti unti nyang naramdaman ang mahihinang buntong hininga ng mga kasama at tahimik syang bumuntong hininga rin.

'Sana lang ay kayang kong sabihin.. pero hindi pa ngayon' sa isip nya at ngumiti nalang ng pilit sa sarili.

"Akyat nako. Napagod ako eh!" Biglang tumayo ang dalaga at dirediretsong inakyat ang silid nya upang doon mag-isip.

"Kapag ba tinanggal ulit kita, safe ka na ba?" Bigla nyang naitanong sa sarili habang nakaharap sa salamin at hinahaplos ang kwintas.

"Gusto ko nang maging malaya.." sabi nya at dahan dahang tinanggal ang kwintas.

"AAAARRRRGGGGGHHHHHHHHH!!!!!!" Biglang nagitla ang tatlo: Sina Cassey, Miko ay Adrian nang ilang sandaling magpaalam ni Ellena ay nadinig na nila ang malakas nitong hiyaw. Agad agad ay pinasok nila si Ellena habang labas ang mga armas ngunit laking gulat lamang nila nang maabutang..

ANG SAMA NG TINGIN SA KANILA NG DALAGA.

"E-Ellena.."

"P-Prins-sesa"

"Ikuha nyo ko nang maiinom.. nauuhaw ako." Malaking boses ng babae ang umalingawngaw.. mahina iyon ngunit nakakatindig-balahibo.

"E-Eto!" Abot ni Adrian sa isang bote ng dugo at agad namang kinuha ito ni Ellena, sinuri muna at inamoy bago tikman.

"Dugo ito ng hayop.." sabi ni Ellena at tumango naman si Cassey.

"Dahil masamang inumin ang dugo ng tao." si Miko.

"Prinsesa.. A-Anong nararamdaman mo?" Tanong ni Cassey. Natahimik si Ellena at humarap sa salamin.. ilang segundo ang tinagal ng pagtitig nya roon pero makalaan ng ilan ay tumingin sya sa tatlo sa repleksyon ng salamin.

"Malakas.. malaya.." natahimik ang tatlo.

"Ramdam na ramdam ko ang lakas ko, at lalong ramdam ko ang lakas nyo. Hindi normal sa gaya nyo, sa mga bampira.. alam kong kakaiba ako. Kakaiba tong pakiramdam ko. Gusto ko ito, ngunit nakakatakot." Dagdag pa ni Ellena at malungkot na tumingin sa kawalan. Marami na syang nalaman tungkol sa kanya. Hindi lang sya basta basta isang Vamp-Wolf, dahil isa pa syang demonyo. Hindi sya nananakit ng walang dahilan, nakuha lamang nya ang kapangyarihan ng isang demonyo, yun ay ang magpalutang sa hangin, manakit gamit ang bibig at magpalutang ng gamit ang mata.

Muling ibinalik ni Ellena ang kwintas, masakit para sa kanya ang pagbabagong anyo dahil parang may kung anong pinipigil sa loob nya. Nagbalik sa itim ang kaninang pulang mata, at napaupo na lang sya matapos magbagong anyo.

"P-Prinsesa.. a-ayos ka lang?" Nagaalalang tanong ni Cassey kaya't nilingon sya ni Ellena at binigyan ng tipid na ngiti.

"Sa ika-anim na araw ay babalik na tayo sa mansyon." Biglang nagsalita si Miko. Nagulat pa si Ellena sa sinabi nya pero nakuha nyang.. alam ni Miko ang lahat. Kaya't tumingin sya sa sahig at tumungo.

"Matulog na kayo" utos ni Ellena at ngumiti ng bahagya. Nagtinginan di Adrian at Cassey at sabay na tumango. Lumabas sila ng silid ni Ellena at marahan naman itong isinara ng dalaga. Nang makalabas ang tatlo ay doon tumulo ang luha nya.

Isa akong demonya.

Yun ang nararamdaman ko.

Kaya kong pigilin ang kapangyarihan ko, hindi ako mananakit pero hindi ko kayang pigilin ang propesiya.. ang nakasulat sa propesiya..

Tahimik na umiyak si Ellena habang inaalala ang mga sinabi ng ama..

"Darating ang araw, magsisilang ka ng tatapos sa lahat"

. . . .

Kinabukasan ay nakatanggap ng tawag si Ellena mula kay Bernard. Sya ay inaanyayahan sa isang Birthday Party ng isang sikat na artista. Si Daryl..

"Anong ireregalo mo?" Tanong ni Adrian sa kanya habang kumakain sila.

"Dugo." Simpleng sagot ni Ellena at matawa ang lahat.

"Pilak!" Suhestiyon ni Miko at nagtaka sila.

"Ade masasaktan pati ang prinsesa?" Si Cassey.

"Hindi ako masasaktan ng pilak sa pagiging tao ko." Sagot ni Ellena at napa-tango sila.

"Eh ano nga ireregalo mo?" Tanong ni Adrian at nagisip naman ang dalaga.

"Dugo nga.. syempre ibabalot ko pero alam kong maaamoy na nya agad yun. Nakakatawa yun!" Si Ellena at tinapos ang pagkain nya.

"Sumama kayo sakin. Dahil dun ko sya kikilalanin at balak kong tanggalin amg kwintas" simpleng tugom ni Ellena ngunit..

"Pero hindi mo pa nakokontrol ang kapangyarihan mo.." sabat ni Adrian.

"Kontrolado na nya. " biglang singit ni Miko kaya't nagtatakang tumingin sa kanya sina Cassey at Adrian.

"Yung kagabi, dapat ay sinugod na nya tayo nung masama ang tingin nya.. ang ganong pagpapalit ng anyo ay mahirap pigilin, lalo na't nag blood lust agad sya pero yung humingi sya ng maiinom, nakakasiguro akong kontrolado na nya ang kapangyarihan nya." Dagdag pa nito at nagbuntong hininga naman si Adrian..

"Kaya nga sasama kayo eh" dagdag ni Ellena. Wala nang nagawa si Adrian kahit labag sa kalooban nya. Si Cassey naman ay tahimik lang pero namamangha ang kalooban.

"Isa akong salamangkera.. kaya kong ikabit sa Prinsesa ang kwintas nya kahit nasa malayo ako. Kaya kapag may kaguluhan ay magagawan natin ng solusyon." Sa sinabing iyon ni Cassey ay napahinga ng maluwag si Adrian.

"GUSTO KONG LUMUWA ANG MATA NG BAMPIRANG IYON MAMAYA" si Ellena.

The Vampire's MateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon