Chapter II

3.2K 98 0
                                    

Habang naglalakad si Ellena sa isang exclusive mall, di maiwasang mapatingin sa kanya ang lahat. Mapa babae man o lalaki ay napapalingon sa kanya. Hindi sya nakadisguise kaya't kilalang kilala sya pero malakas ang loob nya dahil for VVIP'S lamang ang mall na iyon. Kailangan mong ipakita ang membership card mo bago ka papasukin doon ngunit sya? Hindi na kinakailangan pa.

"Same old" sambit nito nung pumasok sa Starbucks at umorder. Pagkabayad nya ay humanap na sya ng mapupwestuhan, di na nya kailangang sabihin ang kanyang pangalan sapagkat kilalang kilala naman na sya.

"Uhm, Miss.. pwede maki-share? All the tables are occupied." Sabi ng isang matangkad na lalaki na halatang may lahi habang nagkakalikot si Ellena sa kanyang cellphone. Alanganin itong nakatingin sa kanya at bahagyang nanlaki ang mata nang ilahad nya ang kanyang palad upang pahintulutan ito.

"Thanks" Simpleng sagot nito at ang binata ay umupo na may ngiti sa labi.

"I'm Lord, and you are?" Tanong nito kay Ellena. Dumating ang order nito kaya't ipinakita na lamang nya ang cup kung saan nakalagay ang pangalan nya at hindi na nagsalita.

"Oh! You're the Famous Ellena Carly! I'm so stupid not to recognize you." Sambit nito at binigyan lamang sya ng dalaga ng ngiti na hindi naman mapaabot sa mata.

"So, are you alone?" Tanong ulit ng binata, umayos ng upo si Ellena at tumingin sa talukap ng mata ni Lord.

"I'm with you, Lord." Sagot nito at natawa ang binata. Well, hindi mahirap kaibiganin ang isang Ellena Carly, kailangan mo lamang kuhanin ang loob nya, sa oras na yon ay masaya si Ellena, may tao pa palang hindi maghaharumintado pag nakita sya o magsisisigaw, o kaya'y kukuha ng litrato at ipopost sa social media, may mga kalmado rin gaya ni Lord na hindi sabik sa artista. Nagalak sya sa katotohanang iyon ngunit hindi yun nagustuhan ni Felomi.

Magkasamang namasyal ang dalawa, walang kasama ang isa't isa kaya naisip nilang sila nalang ang magsama. Hindi naman maipagkakaila na nageenjoy si Ellena sa company ni Lord kaya't ginabi sila.

"Oh! It's going late. I have to go" sabi ni Ellena habang may bahagyang ngiti na binibigay sa binata.

"Hatid na kita" sabi ng binata ngunit tumanggi si Ellena.

"I brought my car with me. Thank you for this day, Lord. I reckon I enjoyed your company. Take care!" Sabi ni Ellena at umalis, wala nang nagawa si Lord kundi masdan si Ellena habang papalayo at nang mawala na ito, sya naman ang umuwi na.

"Don't make me mad, Ellena." wika ni Felomi.

***

Habang nagdadrive pauwi si Lord ay biglang ayaw lumakad ng kanyang sasakyan, wari'y may pumipigil sapagkat gumagana naman ang kanyang makina. Bumaba sya para tingnan kung ano ang problema ngunit sumalubong na sa kanya ang pangil ng isang babae. Sinipsip nito ang kanyang leeg at isa lang ang makukumpira ni Lord, ang umatake sa kanya ay isang Bampira.


"Prince. This is for my prince!" Felomi.

***

"Imposible.." sambit ni Ellena nang mabalitaan ang pagkamatay ng isang binata sa hindi malamang dahilan, puting puti daw ito na parang wala nang dugo ngunit wala naman itong sugat sa buong katawan, sinasabing gawa daw iyon ng isang hindi tao at ang lalaking iyon ay ang kasama lamang nya kanina na si Lord.

The Vampire's MateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon