CHAPTER XIX

898 25 4
                                    


Sa pangalawang pagkakataon, nagising ako sa ingay ng kampana. Talagang nakakamanghang isiping sa sobrang luma at bigat non ay kusang tutunog pagpatak ng umaga. Di ko naman alam na nakatulog pala ako kagabi at nagtuloy-tuloy ito. Sa isang banda, nakita ko si Aleeza na bumangon mula sa mahimbing na pagkakatulog, medyo kunot noo pa syang bumangon marahil tinatamad pa ito.

"Goodmorning Ellena" antok pang sabi nito kaya naman napatitig nalang muna ako sa kanya.

"Saan ka galing kagabi?" Tanong ko at bigla naman syang napaharap sakin, ani mong gulat na gulat.

"Wow! Na-sense mo yun?!" namamanghang tanong nya na hindi pinansin ang tanong ko. Nagtataka ko naman syang tiningnan.

"Hinulaan ko lang yun Aleeza.." sabi ko at sya naman itong nagulat muli.

"Galing ako kay Max." sabi nya at naalala ko nanaman ang pagiging demonyo ko. Bakit kasi ako pa ang sinumpa pwede namang iba nalang, yung mas matapang at yung mas kayang panindigan ang kapangyarihan nya. Sa pagiisip ko ay nakalimutan ko nang kausap ko si Aleeza, basta ko na lamang narining ang pagbukas at sara ng banyo nya.

"Ellena, focus. Mag-focus ka lang!" sabi ko sa sarili ko.

Naghahanda ako ng umagahan para sa amin ni Aleeza, ang bawat dorm ay may kanya kanyang banyo at kusina, tipong bahay na talaga kaya naman dito na rin kami kumakain ni Aleeza ngunit kapag tanghalian at hapunan sa Dining Hall sa labas required and lahat. Dahil doon, libreng uminom ng dugo, bawal dugo mula sa tao o hayop nang sapilitan bagkus ay donasyon galing sa tao o galing nga sa hayop.

Pagkalapag ko ng plato ay bigla nalang..

"GOOD MORNING STUDENTS! TODAY IS THE OFFICIAL DAY WE REQUIRED EVERYONE TO WEAR BATTLE ARMOR. EVERYTHING IS GOING TO BE FINE!" isang malakas na announcement ang dumagundong.

"OH MY GOD! OH M GOD! OH MY GOD!!!" halos madapa na sigaw ni Aleeza na nagmamadaling lumabas ng banyo at naghagilap agad ng masusuot.

"B-bakit? A-anong ibig sabihin non?" naghahanap na sagot kong tanong kay Aleeza na basta na lamang may hinagis saking damit, kulay itim na leather jacket, combat boots at six-pocket pants?

"Katniss Everdeen lang?" komento ko habng medyo natatawa pero siniringan lang nya ko.

"Fashion Armor ko kung tawagin yan! Isuot mo yan! Bakbakan to Ellena! Ibig sabihin simula na at kumbaga sa real world, First day of school na natin! I'm so excited!" sabi nyang excited na excited sa pagbibihis at hindi manlang maiayos ang pagsusuot ng kanyang jacket.

"Hindi ba't may academics tayo dito?" tanong ko.

"Ellena, anong silbi ng pagpapadala sayo ng iyong ama dito sa Death Camp kung mag-aaral ka lang din naman ng akademiko?" sarcastic nyang tanong sakin at napaisip naman ako. Oo nga naman, Ellena.

"A-aahh.. Yun lang pala, sige kumain kana." sabi ko nalang and not paying attention about the announcement at kay Aleeza.

Paglabas na paglabas ko ay kanya-kanya sa pabonggahang suot ang mga estudyante. May simple at merong magarbo na kulang nalang pati ngipin nila ay lagyan ng proteksyon. Naibaba ko ang tingin ko sa suot ko, leather jacket, boots at pants.. wow! Para namang outcast ako kumbaga sa suot ng iba pero kung papipiliin naman ako eh dito na ko, at least komportable.

"Bilisan na natin!" hayok na talaga si Aleeza makarating sa field. Mula dito sa labas ay kitang kita namin kung paano kanya-kanyang armas ang hawak ng iba at meron din namang sariling kapangyarihan bilang bampira ang ipinamamalas.

Sa itinagal ko rin dito sa Death Camp, nabasa ko rin ang rules at regulations dito, history at everything na may kaugnayan dito. Sa pagkakaunawa ko, ginaganap lamang ang pageensayo tatlong beses sa isang liggo and the rest is puro kaalamang kaisipan na lamang. Sa pagkaka-alam ko din ay may ranggo ang bawat bampira. Kapag natalo mo ang isa sa pinakamagaling at hamak na baguhan ka ay dadakilain ka bilang isa sa pinakamalalakas ngunit unfair iyon dahil may rank of pyramid sa angkan ng mga bampira kung saan maituturo mo kung sino ang mga malalakas kaya para maging patas ay pure blood to pure blood, half-blooded to half-blooded na ikinasangayuan ko rin naman.

Pero isang malaking kalungkutang isiping isa rin akong masamang demonyo kung saan kahit kumalaban ako ng pure blood vampire ay may kadayaan din ako. At iyon ang hindi ko kayang tanggapin sa pagkatao ko. Dahil unang beses na matanggal sakin ang kwintas kumawala ang isang lycan pagkaraan ay isang bampira at di naglaon, ng ikatatlo kong katauhan, isang demonyo.

"Ellena!!!" nagising ako sa malalim kong pagiisip sa sigaw at yugyog ni Aleeza. Tiningnan nya ako ng may pag-aalala sa mukha.

"Ayos lang ba ang pakiramdam mo?" tanong nya sakin at sinipat pa ang leeg ko.

"I'm fine, don't worry.." sagot ko pero hindi sya kumbinsido.

"You look not. May nangyari ba, Ellena?" seryosong tanong nya kaya namang nagseryoso narin ako.

"Mukha ba?" saglit kong tanong at halatang nagulat sya sa pagiging seryoso ko. Lumunok muna at tumikhim.

"May mali nga sayo.." sabi nya at hinatak nalang ako ng dahan-dahan.

Unang sumabak sa laban si Aleeza, medyo nahirapan sya sapagkat 3 malalakas na second raw ang kalaban nya at iisa lamang sya. Sa totoo lang, mahirap kalabanin ang tatlo ngunit dahil sa abilidad ni Aleeza ay napapahanga nya ako. Titingnan mong masayahin at weirdo si Aleeza pero napakalaki ng kagustuhan nyang maparangalan ang mga kalahi nya.

Sa bawat pagkakasunod ng mga pangalan ng bawat bampira ay kinakabahan ako. Paano na kapag ako? Paano na kung gayong amoy nila ang dugo ko? Paano kung hindi ko makontrol ang sarili ko?

Sobra akong napalalim sa pag-iisip at hindi ko namalayang limang beses na akog tinatawag at pinagtatawanan na ako ng mga kaklase ko. Galit ang mga mata ni Max sa akin ngunit ipinawalang bahala ko iyon. Ang iniisip ko, paano na kung mabuko ang pagkatao ko?

"Anong ibabat-bat ng isang hamak na artista na yan?" bulungan ng iba.

"Ni-hindi nga natin alam kung sanay makipag-laban yan eh!" bulungan pa ng iba na para bang isa lamang akong kuto sa harap nila at wala silang pakialam kung naririnig ko man ang panghuhusga nila.

Lumapit ako sa gitna kung saan naghihintay sakin ang isang lalaking mukha pang bored na bored sa kinatatayuan.

Gaano ba ko ka-weak tingnan? tanong ko sa isip ko pero biglang natawa ang lalaking kaharap ko ngayon.

"Gusto mo bang malaman?" sabi nya na ikinakunot ng noo ko. Hindi ko sya maintindihan, anong tinutukoy nya? Sa katangahan ko ay bigla pa syang tumawa ng labis at kulang na lamang ay mapaupo sy----What the heck?! tuluyan nga syang napaupo habang sapo ang tiyan sa labis na kagalakan.

"Are you crazy?" napipikon kong tanong at tumitig naman sya sakin.

"Yes, you're weak!" sabi nya na bago pa ko magreact muli ng katangahan ay gets ko nang binabasa nya ang laman ng isip ko.

Damn you! sabi ko na lamang sa isip ko at tinanggal ang kwintas ko.

c-cr-cra-aaackkk! tunong ng mga buto kong hayop sa sakit.

"Aa-aaahh-hhh!!!" sigaw ko sa sobang sakit at napaluhod pa ko. Dito ko namalayang ibinuking ko ang buong pagkatao ko. Dito ko namalayang ipinakita ko lang ng basta-basta ang katauhan ko. Ngayon ko lamang naisip na sobrang tanga ko. Bakit nagpadalus-dalos ako? Kita ko sa mga mukha ng mga nakapalibot sakin ang takot, si Max ay walang eksresyon at wari'y alam na mangyayari ito, ang lalaking kaharap ko ay nangpapanggap n kalmado ngunit naamoy ko ang buong pagkagulat nya at si Aleeza, ang kaisa-isang nakangiti at namamangha sa nasasaksihan.

"O-Oh my g-gosh!" bulungan ng lahat.

"She's... She's also the powerful!"

"Beautiful creature.."

"Sorry, natagalan ang pagiibang anyo ko." sabi ko at dinig na dinig ko ang kalakihan ng boses ko at ang katalasan ng bawat senses ko.

"Seyo! Carly! Simulan na!" umugong ang pito ni Maxima, ibig sabihin ay..

"Game." sabay naming tugon at.......


------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Ito na lamang po muna! :)

The Vampire's MateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon