Chapter 21

808 23 0
                                    

"Masyado ba kong maganda para sundan mo ko kahit dito?" Sabi ko ngunit tiningnan nya lang ako na para bang wala syang alam sa sinasabi ko.

"Kung gusto mong magamit ang kapangyarihan mo, magsanay ka munang makipag laban. Palakasan muna, binibini" sabi nya at inumpisahang hagisan ako ng gold dagger na kamuntikang tumama sa noo ko ngunit sa punong kahoy tumurok.

"Amoy na amoy ang takot mo" sabi nya at lumapit sa akin. Di ko alam kung ano ang irereact ko sitwasyon ito. Batid kong nararamdaman nyang naiilang ako.

"Gamitin mo ang kaliwang kamay mo sa pakikipaglaban, paa mo sa pagpapalito at bilis at kanan mo pang turok. Ulo ang gamitin mo upang malibang ang kalaban." Pagpapatuloy na habang hinawakan pa ang kamay ko, sinipa ang paa ko at tinapik ang ulo ko.

"Mr. Seyo, natalo na kita kaya wag mo kong turuan." Sabi ko at buong pwersang tinanggal ang kamay nyang nakahawak sa kamay ko.

"Mayabang na bampira" casual nyang sabi at ngumisi pa. Tumaas ang kilay ko.

"Nagsasabi lang ng totoo." Ganti ko at di nnman nya muli akong pinansin.

"Mamayang gabi. Magkakalat ng dead rogues" sabi nya saka umalis. Napatitig nalang ako sa kanya. Huminto sya bigla sa tapat ng Camp Bell at nilingon ang likod non. Ngunit lumakad lang muli hanggang sa di ko na makita ang bulto nya.

"Ellena, kaya mo yan" sabi ko sa sarili ko at muli ay pumikit. Ngunit sa pagpikit kong iyon ay mukha ng aking ina ang nakita. Nakangiti sya habang pinapanuod akong mag-audition bilang artista, doon ay kitang kita kung paano kanormal at ordinaryo ang buhay namin malayo sa kung anong meron ngayon. Ni walang bahid ng pagiging isang mahiwaga.

Lumakad ako palayo sa puno nang mapansin ko ang isang masangsang na amoy. Dugo. Isang amoy ng dugo ng di tao.

Unti unti'y lumapit ako. Sa pakiwari ko'y may ilang metro lang ang layo nito at di nako magtataka kung bakit ang daming estudyanteng namula ang mga mata at masusing sinusundan at hinahanap ang naturang amoy.

"Ano yon?" Tanong ni Aleeza. Na sumulpot kasabay ng ilang mga bampira.

"Dugo ng hayop" sabi ko. Agad na nangunot ang noo ni Aleeza.

"Hindi ganyan ang amoy ng dugo ng hayop" sabi nito sa seryosong boses.

"Nandirito! Isang bangkay ng lobo!" Nagulantang kami sa isang lalaking sumigaw at takot na takot na itinuturo ang madilim na parte sa likod ng Camp bell.

Napatitig ako. Isang puting lobo ang walang malay, puro dugo, puro sugat na halatang mula sa isang patalim nang biglang pumasok sa isip ko ang nangyaring pag hinto ni Justine Seyo at sumilip sa likuran ng Camp Bell. Napatingin ako sa puno. Umaasang nandoon ang kanyang patalim ngunit bigo akong nakita ito. Wala na ito doon at bigla na lamang kumabog ng malakas ang dibdib ko.

Anong ibig kong sabihin? Bakit ko naisip yon?

Anong— anong iniisip ko?

Hindi.. Mali

Seyo..

"Prinsesa naririnig mo ba ko?!" Nabalik ako sa reyalidad nang marinig ang sigaw ni Miko. Hawak hawak nya ako sa magkabilang balikat at nakapalibot sakin sila Giovanno, Aleeza at Craig.

"Anong nangyayari sayo, Ellena?" Tanong ni Craig ngunit umiling ako. Ramdam ko ang tingin ni Aleeza.

"Binabasa nyo ang isip ko" sabi ko

"Ngunit di namin magawa iyon. Hindi namin mabasa ang isip mo Ellena, paanong nangyari yon?" Sagot ni Aleeza at nanlalaki matang napatitig nalang ako sa kanya.

The Vampire's MateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon