I - Ang Sugo

1.7K 54 15
                                    

"Sige lang... Iiri mo lang..." Utos ni Saling, ang kumadronang nagpapaanak kay Merla.

"Uuuuuuummpt... Uuuuuuummpt... Uuuuummpt... Hah! Uuuuummpt..." Sunud-sunod na pag-iri naman ng babaeng halos apat na oras na atang hindi mapaanak-anak.

Kung nahihirapan na ang mga miron sa kakapanood, mas nahihirapan ang kumadronang nagpapaanak.

Butil-butil na nga ang pawis nya ngayon sa noo. Nakakaramdam na din sya ng pagod.

At hindi nya alam kung ano ang dahilan bakit hindi nya mapalabas ang bata.

Ang dami naman na nyang napaanak hindi lang sa mismong lugar nila kundi maging sa mga karatig nilang bayan.

Marami ding mga first baby, yung panganay ba. Pero kay Merla lang talaga sya nahirapan ng husto.

Para kasing yung bata mismo ang ayaw lumabas. Parang pinipigilan nito ang paglabas nito sa lagusan.

Kaya ayun, hirap na hirap tuloy ang ina. Halos panawan na nga ito ng ulirat dahil sa kaka-iri.

At yun nga, kung nahihirapan si Saling---

Mas nahihirapan si Merla.

Malapit na talaga itong mawalan ng malay-tao. Hapung-hapo na kasi talaga ito sa kakairi mula pa kanina.

Mag-aapat na oras na rin itong animo nagli-labor pa rin kaya kinakapusan na rin ito ng hininga ngayon.

"Tong, halika. Kausapin natin ang baby nyo para makalabas na sya." Sabi ni Guada, ang ina ni Merla.

Agad namang lumapit si Estong sa biyenan

Pagkatapos non ay lumuhod na sya malapit sa asawa.

"Baby... Wag mo ng pahirapan si nanay. Labas ka na... Gusto ka na rin naming makita eh. Lumabas ka na anak ha, pakiusap..."

Bulong nya sa tiyan nito.

Hinalikan nya pa iyon na para bang gusto nyang ipabatid sa bata kung gaano nya ito kamahal at kung gaano sya kasabik na ito ay makita, mahawakan at makarga.

"Uuuuuuuuuuummmmpt... Hah! Uuuuuuuuuuuuuuuuumpt..." Pag-iri naman ni Merla.

"Sige lang... Iiri mo lang..." Sabi naman ni Saling habang sinasabayan nya ang pag-iri nito ng pagtulak sa tiyan mula sa sikmura nito pababa.

"Panginoon tulungan Nyo po ang anak ko... Mailabas po sana nya ng normal at buhay ang aking apo. Tulungan Nyo po sila Panginoon... Gabayan Nyo po sila..."

Dasal naman ni Guada habang nakatingin sa kanyang anak na hirap na hirap na ngayon.

Mariin nya ring pinisil ang palad nitong kanina pa nya hawak-hawak.

..........

Samantala...

Dalawang nilalang naman ang kasalukuyang nakamasid ngayon sa kaganapang iyon sa bahay nila Merla.

Mga nilalang na wala na sa mundo ng mga buhay.

Mga nilalang na bagama't wala ng katawang-lupa ay nagagawa pa ring makapanlakbay at makisalamuha sa mga tao.

Ang dalawang nilalang kasi na ito ay kapwa o parehong mangkukulam nung sila'y mga buhay pa.

Ang isa ay nuknukan sa kabaitan. Wala syang hinangad kundi ang kabutihan ng kanyang kapwa. At ang angkin nyang galing ay hindi nya kailanman ginamit sa kasamaan. Kaya naman bagay na bagay sa kanya ang puting usok na bumabalot sa buo nyang katawan.

Samantala, itim naman ang sumusukob sa isa pang nilalang. Sing-itim ng usok na iyon ang kanyang budhi.

Mula noong nabubuhay pa sya hanggang ngayon ay wala talaga syang ibang inisip kundi puro kasamaan lang.

ESMERALDA Book 4Where stories live. Discover now