Tahanan

7 3 1
                                    

"Good morning anak" napamulat ako ng marinig ang malambing na tinig ng aking ina, nakakaginhawa at nakakaganda ng umaga ang mga tinig na iyon.

"Good morning mama!" masigla kong bati at tumayo na sa kama ko ngumiti naman siya at niyaya na akong mag almusal sa hapagkainan.

Sobrang masaya ang buhay ko, wala na akong mahihiling pa sa loob ng bahay na ito mayroon akong mama na binibigay ang aruga na kinakailangan ko palagi bilang isang anak.

"O anak, may gatas kana dito, ako nagtimpla niyan" mayroon din akong tatay na sobrang masipag at nagbibigay ng malaking ngiti sa amin sa tuwing dinadalaw kami ng lungkot.

"ate laro tayo pagkatapos kumain hihi" at kapatid na kahit gaano kakulit at kapasaway ay nagbibigay ng buhay sa aming tahanan.
Para akong nasa alapaap sa twing naiisip ko kung gaano ako kaswerteng tao, sa sobrang saya ng pakiramdam ko'y di ko napigilang yakapin sila ng mahigpit at halikan sa kanilang mga pisngi na nagbigay kiliti sa kanila kaya sabay sabay kaming nagtawanan sa saya.

Ngunit natigil ang aming mga tawanan ng may kumatok ng pagkalakas lakas sa aming pintuan. Agad akong napatingin dito at naramdaman ko ang pawis na unti unting tumutulo sa aking uluhan. Andiyan na naman sila.

"Anak, sa tingin ko kailangan mo ng--"

"hindi! masaya na tayo dito ma, diba? walang magbubukas ng pinto!" desperadong sagot ko sa kanila.

lahat kami'y natahimik at halata sa kanila ang lungkot habang ako'y nababalisa, patuloy lang ang pagkatok nito na mas nagoapadagdag pa sa tensyon na aming nararamdaman.

"anak, makinig ka" tawag sa akin ng aking ama, dahan dahan naman akong napatingin sa kaniya at base sa kaniyang mga mata'y alam ko na ang sasabihin niya. Unti unti akong umiling at ang mga luha'y nag uunahang tumulo mula sa aking mga mata. Hindi ko kaya.

"Mahal na mahal ka namin anak, ngunit kailangan mo ng umusad, para sa ikabubuti mo iyon" tumayo sila at lumapit sa akin upang yakapin ako.

patuloy lang ang aking pag iling kasabay ng paghikbi, napatingin aki sa kanilang mga mukha't malungkot na ngumiti.
"Yun ba talaga ang gusto niyo?" nanginginig kong sambit, dahan dahan naman silang tumango, kahit naghihina'y lumakad ako patungo sa pinto kung saan may kumakatok, bago buksan ang pinto'y napatingin muna ako sa kanila at ngumiti.

"Mahal na mahal ko kayo, maraming salamat"

dahan dahan kong binuksan ang pinto at unti unti ng lumiwanag
"susmiyo bata ka! sa wakas at nagising kana, alalang alala kami sayo!" napabangon naman ako naabutan anh tiya kong halos mangiyak na, agad naman niya akong niyakap na nagpabagsak sa mga luha ko

"marami pa kaming nagmamahal sa'yo, kaya patuloy kang lumaban" saad niya napatango naman ako sa gitna ng pag iyak.


Sa pagkakataong iyon, unti unti na akong namulat sa reyalidad na wala na ang pamilya ko sa mundong ito, ngunit sigurado akong araw araw silang gumagawa ng paraan upang iparamdam ang pagmamahal nila sa akin.

One Shot CompilationWhere stories live. Discover now