Ifs

16 3 4
                                    

note: song is originally not mine.

if i could 
then i would
I'll go wherever
you will go

Hindi ko maiwasang mapahead bang nang kinanta mo na 'yung chorus part ng paborito kong kanta.

Nakapikit ka pa tanda ng pagdama mo sa bawat salitang lumalabas sa pagkanta mo. Hindi ko namalayang napapikit na rin ako at sinimulang damhin ang bawat liriko na mas lalong nagbigay ng sakit sa puso ko. Ang kaunting pagkirot ay napalitan ng mas masakit na para bang may tumutusok sa'kin, pilit pinapaalala ang nakaraang kahit kailan, kahit hilingan sa lahat ng bitui'y iisang sagot lang ang matatanggap, hindi na puwede.

"Love, pakinggan mo 'tong bagong composition ko."

Napatingin naman ako sa'yo habang excited kang umupo sa harapan ko at sinimulang i-strum ang gitara.

Napangiti ako at inabot ang sheet kung saan nakalagay ang lyrics ng bago mong kanta. May title itong "i'll go wherever you will go".

Nakatingin lang ako sa'yo kasabay ng pagdama sa bawat bigkas mo ng kantang isinulat mo.

"Ano? what do you think?"  You asked like a kid waiting for praises.

Kagaya ng lyrics, puno ng panghihinayang ang puso ko.

Kung kumapit pa 'ko, magkakaroon pa kaya ng pagbabago sa takbo ng buhay natin? madudugtungan pa kaya ang mayroon tayo noon?

"Love! Nag number one sa spotify yung song! I love you!"  Excited mong balita, pagkapasok mo pa lang sa pinto. Napatalon tayong dalawa sa tuwa habang magkayakap dahil finally, unti-unti ng natutupad ang mga pangarap mo.

Hindi ko na napigilan at unti unti ng nag unahan ang mga luha ko at kasabay ng hikbi ko ang hiyawan ng mga taong sumusuporta sa'yo. 'di ko akalaing maalala ko pa rin ang lahat na para bang kahapon lang sa sitwasyong 'to.

"I'm sorry, she didn't make it."

Mas lalong pinilipit ang puso ko nang makitang may luha ring nagsimulang pumatak mula sa mga mata mo. Kitang-kita iyon dahil kumikinang ito mula sa liwanag na nakatutok sa'yo.

Nakatitig lang ako sa'yo habang patuloy pa rin ang mga luha ko nang bigla kang dumilat at sa mga mata ko mismo dumiretsyo ang paningin mo, narinig ko pang naghiyawan ang mga kalapit kong fans mo na nag-aakalang sila ang tinititigan mo pero hindi ako maaaring magkamali, alam kong sa akin ka nakatingin.

Ngunit bakit? Paano?

Patay na ako.

One Shot CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon