Wala na ang pinsan niya sa tabi niya. “Hindi man lang ako ginising ng mokong na ‘yon.”

Bumangon na siya at naligo. Tiyak nasa dining room na ang lolo’t lola niya. Ayaw pa naman ng mga ito na pinaghihintay ang pagkain. Mabilisan na siyang naligo.

Halos kakalabas lang niya ng banyo ng makadinig siya ng katok.

“Sino ‘yan?”

“Ang gwapo mong pinsan.”

“Sa pagkakaalam ko, ako lang ang gwapo sa angkan natin.” Naghanap siya ng maisusuot sa cabinet niya. Nadinig niyang nagbukas ang pinto. Paglingon niya, prente ng nakaupo ang pinsan niya sa kama.

Humarap uli siya sa cabinet. “Bat hindi mo ako ginising?”tanong niya.

“Ang sarap ng tulog mo, eh.”

“Sina lola?”

“Nasa baba. Nga pala si Princess, nawawala.”

Marahas siyang napalingon dito. “Anong sabi mo?!” gulat niyang tanong.

Tumawa lang ito ng malakas.

“Pwede ba, Harold, seryoso ko!” Kasasabi lang nitong nawawala si Princess, tapos ngayon may gana pa itong tumawa ng ganito.

Umalis ito ng kama. “Dyan ka na nga.”natatawang wika nito, bago humakbang palabas ng kwarto niya.

“Harold!” Mabilis siyang nagbihis. Tumutulo pa nga ang buhok niya ng bumaba siya.

“Anong nangyari kay Princess?!”malakas na tanong niya. Sabay-sabay na nagsipaglingunan sa kaniya ang mga taong nakaupo sa dining room. Tumawa ng malakas si Harold.

“Honey.” saway dito ni Cath.

“Bakit?”

Napalingon siya sa pinanggalingan ng boses na ‘yon. Nadinig niyang tumawa na naman si Harold. Nilingon niya ito. Naningkit ang mga mata niya. “You…” Pinagtripan lang naman siya nito.

“Yes insan. Me.”Sumagot pa talaga.

“Ano bang nangyayari sa inyong magpinsan?” tanong ng lolo niya.

“Apo, gutom ka na ba at sa sobrang pagmamadali mo baligtad pa ang damit mo? Nakakahiya sa bisita.” wika ng lola niya.

Saka lang niya napansin ang isang pamilyar na mukha na nakaupo sa hapag-kainan.

“Long time no see, pare.” nakangiting wika ng taong ‘yon.

* * * * * * * *

Napatingin si Pincess sa relo niya.  6:30 na pala. Hindi niya namalayan ang oras sa paglilibot niya. Ang sabi ni Manang Fe, malapit lang daw ang dagat sa bahay kaya naisipan niyang puntahan. Nakaupo siya ngayon sa puno ng niyog na natumba. Hinitay niyang sumikat ang araw.

Nag-inat siya at tumayo mula sa pagkakaupo. Pinagpag niya ang pedal niyang suot. Nagsimula na siyang maglakad pabalik ng bahay. Isang minuto pa lang siyang naglalakad ng mapansin niyang tila may sumusunod sa kaniya. Lumingon siya sa likuran niya. Isang lalaking nakapamulsa ang nalingunan niya. Napahinto ito sa paghakbang at napatingin sa kaniya. “Why?” tanong nito. Wala man lang emosyon ang mukha nito.

Hindi niya ito pinansin at nagpatuloy uli sa paglalakad. Lumiko siya may kanto. Naramdaman niyang lumiko din ito. Huminto uli siya at nilingon ito.

Hindi na siya nakatiis. “Teka, sinusundan mo ba ko?” tanong niya.

Kumunot ang noo nito. “Okay ka lang, miss? Why should I follow you? Pag-mamay-ari mo ba ang daanang ito para hindi ako dumaan dito?” Bumaba ang tingin nito sa kalsada. “Wala namang pangalang nakalagay dito.”

Antipatikong lalaki ‘to, ah!

“So, if you’ll excuse me, may pupuntahan pa ko.” Naglakad uli ito at nilagpasan siya.

Humalukipkip siya. “Ang sabi ni Manang Fe, mababait daw ang mga tao dito. Hindi naman pala lahat.” Nilakasan niya ang pagkakasabi no’n at sadyang pinadinig sa lalaking ‘yon.

Nilingon siya nito ng nakakunot ang noo. “May sinasabi ka?”

“Hindi naman pala mababait ang mga tao dito.” matapang na sagot niya.

“Kasama ka don.” dagdag nito. Naglakad na uli ito.

“Hindi ako taga dito noh!” Mabilis din siyang humakbang, hindi para sumunod dito, kundi para makauwi na. Pero laking gulat niya ng huminto din ito sa tapat ng gate nila Aeroll. Nag-doorbell ito. Napalingon ito sa kaniya. Napansin siguro nito na nasa likuran siya nito.

Kumunot ang noo nito. “Ikaw yata ang sumusunod sakin, eh.”

“Ako? Dito din kaya ako—”

“O, andyan ka na pala, Princess. Kanina ka pa hinahanap nina Harold. Akala nga, naligaw ka na.” Si Manang Fe ang nagsalita mula sa nakabukas na gate. Napalingon ito sa lalaki. Nanlaki ang mata ni Manang Fe. “Jed! Ikaw ba yan?”

“Hello, Manang! Long time no see.” bati ng lalaki. Nilingon siya ng lalaki. “See? Hindi kita sinusundan.”

Humalukipkip lang siya. Ito siguro ang tinidor na nahulog kanina.

* * *

VOTE.COMMENT.BE A FAN

Lovelots! :)))))))))))))))))

Love at Second Sight (FINISHED!!!)Where stories live. Discover now