Chapter 42

5.1K 183 5
                                    

Maria Artemis

Nagmamadali akong lumabas ng suite. Actually,  mamaya pang 12 noon ang pasok ko, pero nagkaroon ng hindi inaasahang aberya.

It's October already. At mamayang alas sinco na magaganap ang debut celebration ng anak ni Hon. Gabriel Desmundo. Ito ang event na ilang buwan naming pinagpuyatan at pinaghandaan. Everything is already settled, not until the November Valentine called me up minutes ago.

They informed me that they can't go later because their lead vocalist had a motor accident last night. Like seriously? Bakit ngayon pa lang nila sinabi? Maayos na ang usapan namin at settled na ang deal. Nagkaroon na nga kami ng final rehearsal days ago, and then this happened? Hindi ako kuntento sa dahilan nila kung bakit hindi nila kami inimporma agad sa nangyari. Akala kasi nila na makakayanan ng kanilang lead vocalist ang um-attend. That's bullshit!

Blake is on leave since last week because his grandfather passed away. He mourns his passing and follows up other important matters regarding his inheritance.

Kaya ako ngayon ang hands on sa November Valentine. Naimporma ko na rin kay Sir Froilan ang nangyari. Our team keeps on connecting with the band but it seems like they blocked us already. Hindi na sila namin ma-contact, even their manager. They are so unprofessional!

Napatingin ako sa ID na nahulog ng nakasalubong ko bago ako pumasok sa elevator. Pinulot ko ito at binasa ang pangalan na nakasulat.

"Ms. Beleza Quirino?" pagtawag ko sa kanya kaya napalingon siya sa akin at tinignan ako ng may pagtataka. Siguro ay nagtataka siya kung bakit ko siya kilala.

"You dropped your ID."

Napalaki ang mata niya at agad na kinuha ito mula sa akin. "Uhm. Thanks," nahihiya niyang sambit na tinanguan ko lang.

It's my first time seeing her in this floor. Malimit lang kasi ang pumupunta rito at masyadong mahigpit ang security sa floor na ito dahil nandito ang suites ng tatlong anak ni Sir Villasuarez. Pero dahil masyado akong abala ay hindi ko na siya pinansin at agad na tinungo ang hall na gaganapan ng debut. Nandoon kasi si Sir Froilan at ang ibang staff ng Gamma.

"Artemis, what really happened? Wala na bang ibang sinabi sa'yo ang banda?"

"Wala na, Sir."

"Goodness! Bakit ba ngayon pa ito nangyari?"

"Alam na ba ng client natin na hindi makakadalo ang banda? May nirekomenda ba silang proxy? We still have time to find another one," suhestiyon ko at pagod na napa-upo.

"Sir, I already told the Desmundo Family about the band. Hindi nila nagustuhan ito at tayo ang sinisisi kung bakit nangyari ito. Their daughter doesn't want any proxy. They're suggesting on postponing the celebration until the lead vocalist recovered," pag-iimporma sa amin ni Ma'am Hanna. Napabuntong-hininga kaming lahat. Hindi ko inaasahang ganito ang mangyayari kung kailan naman papatapos na ang aking internship.

I have high hopes in this event. We've struggled just to make this perfect.

"Listen everyone, huwag tayong masyadong magpadala sa frustration," pagpapagaan ni Sir Froilan sa sirwasyon. "Phillip, try to connect with the band. Hanna, patuloy mong kausapin ang Desmundo family, I'm sure nabigla lang sila sa nangyari. Let's just hope na hayaan nilang matuloy ang celebration even without the band. Joana and Steph, kayo na ang bahala dito sa hall. Let's still follow the plan. Henry, asikasuhin mo rin ang dining service. Pabawasan mo ng 1/4 ang overall food preparation nila dahil baka hindi matuloy ito ngayon. Artemis at Liam, try to communicate with other famous bands in the country kung sakaling pumayag sila ng kapalit ng November Valentine." He smiles. "Ako na ang bahala sa mga nakatataas. Aakuin ko ito lahat. Ako na ang bahala kaya huwag na kayong mangamba pa."

Napapalakpak pa si Sir Froilan kaya wala na kaming nagawa kun'di gawin ang mga inutos niya.

Sir Froilan is the kind of leader everyone wants to have. After how many months of training under his lead, I see how capable and responsible he is. Yes, he's strict, but in an appropriate way. He's also approachable and he knows how to take care of his team. He is the team's parent. Kaya naman ay napalapit na ako hindi lang sa kanya, kun'di sa buong team na rin. We are one family here.

Agad akong napapikit at nag-isip ng maari kong gawin. Liam is already starting to communicate with other bands.

In the middle of my frustration, an idea clicks in my mind suddenly.

Agad kong dinukot ang aking cellphone at may tinawagan.

This is my best shot!

His Possessive Girlfriend : More Than EnoughTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon