Chapter 31

4.9K 218 33
                                    

Maria Artemis

"Have you encoded all the names of guests?"

"Yes," maikli kong sagot kay Hanna at nginitian siya.

"Great. We can have our lunch now. It's almost 11."

Nagligpit lang ako ng aking gamit at lumabas na sa aming office. Masyado na kaming abala ngayon dahil sa event na naka-assign sa amin. All of us want it to be perfect.

Dinukot ko ang aking cellphone nang tumunog ito. Agad ko namang sinagot nang makitang si Davin ang tumatawag. Ilang beses na kasi akong tinawagan ni Gail pero hindi ko siya sinasagot. Hindi pa ako handa sa aking sasabihin sa kanya.

"Hello? What's up, Mr. Celebrity?" Narinig kong napatawa siya sa kabilang linya.

"Done with your lunch?"

"Hindi pa. I'm on my way. Siguro sa Cion's. How about you?"

"Perfect! Just come here, in my suite. I prepared lunch."

"Seriously?"

"Seriously, Art."

Binaba niya agad ang tawag. Napangiti na lang ako at tinahak na ang daan papuntang elevator. I pressed the 70th floor. Nagmamadali akong pumunta sa suite ni Davin pero hinarang ako ng security. What the heck? Wala naman ito dati, eh. Pinapunta niya muna ako sa information desk for identity checking.

"Ms. Torres?" Napalingon ako sa eksaheradang tumawag sa akin at ang mukha ni Kassandra Hudgens ang bumungad sa akin.

What is she doing here? Bakit dito na siya na-assign? Diba sa front desk siya ng first floor? Tinignan ko lang siya nang seryoso at ibinigay na sa head nila ang duplicate diamond card na ibinigay sa akin ni Davin. Matapos makumpirmang authentic ito ay hinayaan na nila akong makapasok. Napatingin ako kay Kassandra at halatang gulat siya.

Nang tumalikod na ako sa kanila ay halos mapatalon ako sa gulat nang sumalubong sa akin ang napakalapit na nakangising mukha ni Buendavid Villasuarez IV.

"Prick," singhal ko sa kanya at marahas siyang tinulak palayo na tinawanan niya lang.

"Anong ginagawa mo rito?"

"My suite is on this floor. Now, what are you doing here, Ms. Torres?"

Oh great! Magkafloor pa talaga sila ni Davin. But, for the record, ito ang unang beses na makita ko siya rito.

"Just passing by," nakangisi kong sagot sa kanya at nilagpasan na siya.

Napalingon pa ako sa information desk at halatang gulat sila sa kanilang nasaksihan. Well, who wouldn't be? I just talked to a billionaire's son who is a billionaire himself as well.

Nang bumukas ang pinto ng suite ni Davin ay agad kong tinahak ang dining room. Soon enough, sinalubong niya ako at binigyan ng yakap.

"The process of getting here is hitting my temper," reklamo ko kaya napatawa siya.

"Maybe I can do something about that. But, let's eat first."

"You prepared all of these?"

"Yup. I actually stayed here since 8. Pumunta lang ako sa PIC para kunin ang mga gamit ko. My dad arranged my education earlier. Homeschool at its finest."

"I can picture out how did the PIC President react in front of your dad."

Umupo na kami at nagsimula nang kumain. Nagkakaroon kami ng pag-uusap pero limitado lang dahil masyado akong abala sa pagkain. Goodness, the foods are superb.

"You can be a chef," I commented making him smiled shyly.

"Uhm'thanks."

"Anyway, have you seen your dad's prescon?"

His Possessive Girlfriend : More Than EnoughTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon