Chapter 36

4.7K 199 7
                                    

Maria Artemis

Nagising ako dahil sa uhaw. Tatayo na sana ako pero napadaing ako nang maramdaman kong nakatali ang aking kamay patalikod. Maging ang aking mga paa ay nakatali rin sa inuupuan ko.

What the hell?!

Biglang nabuhay ang aking sistema at pinilit kong paganahin ang aking utak kahit medyo nahihilo pa ako. Masakit din ang ibang parte ng aking katawan at nangangalay ang aking likod. What happened to me? Why did I end up tied up in this dark room?

That's right! Unti-unti nang nagraragasa ang mga alaala ko tungkol sa nangyari sa akin.

Nakasakay ako noon sa taxi-- or so I thought. Magkatawag kami ni Davin nang biglang tumigil ang taxi sa isang blind turn. Biglang may pumasok na nakamaskarang mga lalaki at nag-spray sa akin ng kung anong kemikal na naging sanhi ng pagkawala ng aking malay.

Someone abducted me for satan'ssake!

As if my adrenaline and natural mechanism triggered, bigla akong nabuhayan at mas naging alerto. Nilibot ko ang aking paningin habang pilit na kumakawala mula sa pagkakatali ko. Luckily, I was only tied by a duct tape. But I am still tied nonetheless.

Base sa kabuoan ng silid ay napagtanto kong nasa subbasement ako ngayon. Walang bintana sa pader at tanging kahoy na hagdan lang ang daanan pataas. Naka-on na flatscreen TV pero black and white lang ang nakalitaw, mataas na kabinet at iilang upuan ang tanging nakikita ko sa tulong ng bombilya na may asul na ilaw.

Oh joy!

Ito ang unang beses kong ma-kidnapped. Wala rin akong maisip na may motibong gawin ito sa akin maliban sa mga kalaban ni dad sa kaso.

Dahil kasabwat nila ang nasakyan kong taxi, siguro ay planado na nila ang pagdukot sa akin. Minanmanan na nila nang maigi ang aking mga kilos.

Pero base sa pagtali nila sa akin ay masasabi kong hindi mga professional kidnapper ang dumukot sa akin. They could've used a rope or anything better to tie me up. And to think na tinali lang nila ako sa isang upuan na hindi nakakabit sa sahig. I can still have mobility. Dapat siniguro muna nilang hindi na ako makakilos pa, the very basic in kidnapping.

Pero naisip ko rin na baka may kinalaman ito sa kung bakit ako nila dinukot. They need me alive and whole. Napahinga ako nang malalim nang wala akong makitang mga torturing device na maaaring gamitin sa akin.

I gather all my energy and try to move from my initial position.

"Already awake?"

Napatigil ako dahil sa biglang kumausap sa akin. Mula ito sa likod ng mataas na kabinet kaya hindi ko makita ang nagsalita. Siguro ay nagambala ko siya dahil sa ingay ng upuan.

"Who are you?"

"Christina Daine. Sister of your boyfriend. We already met once."

"What the hell are you doing here?"

"Tulad mo. Dinukot din nila ako."

Oh damn it! Bakit nandito rin siya? Bigla tuloy akong napaisip sa kung sino ba talaga ang dumukot sa akin, sa amin. Dahil kung kalaban ito ni dad, hindi sana madadawit pa si Christina Daine. And to think that they have guts to abduct the daughter of Sir Villauarez, they deserve an Oscar for Most Gutsy of the Year.

I need to think really hard. Dapat unahin ko munang isipin kung paano kami makakatakas dito.

"Hey, Christina Daine, anong oras na ba? Do you have a watch or something?"

"You can call me Daine. Hindi tulad mo na pinatulog nila, piniringan lang nila ako papunta rito. Mga pitong oras ang naging biyahe natin simula nang dalhin nila ako sa sinasakyan mo. So it's likely to be 12 midnight already."

His Possessive Girlfriend : More Than EnoughWhere stories live. Discover now