Chapter 28

4.9K 222 40
                                    

Maria Artemis

"Let's dine already," masiglang wika ni Mrs. Christina at napapalakpak pa. The long wait is over, and here we are now, having a dinner in this grand dining room.

Sa dulo ng mahabang mesa ay naka-upo si Mr. Villasuarez katabi ang kanyang asawa. Sa kanang bahagi kami nakaupo ni Davin. At kaharap namin sina Buendavid at ang bunsong kapatid nila na si Christina Daine Villasuarez.

I've seen her face in several online platforms, but sure enough, she looks even better in person. She has an angelic face, just fitting for her young age. She has long wavy hair which are tucked behind her ears neatly.

They started eating, kaya nagsimula na rin ako. Lahat kami ay tahimik lang hanggang magsalita si Mr. Villasuarez.

"Ms. Torres, my wife already told me about the real status of your relationship with my son. So, telling it to me now is no longer necessary."

Damn! Kanina pa ako kinakabahan kung ano ang sasabihin ko sa kanya, tapos ngayon ay sasabihin niyang hindi na kailangan pa? Tsk.

"But I want to talk about certain things," dugtong niya kaya napaarko ang aking kilay.

"About what specifically?"

"Well, the whole world already knew about my son. At hindi maiiwasang hindi siya pupunteryahin ng media saan man siya pumunta. Kaya naman, if possible, limitahan niyo ang pagsasama sa public." Napalunok ako agad ng kinakain ko.

"Hindi ba nangangahulugan lamang ito na dapat mas paigihin niyo ang inyong ginagawa sa pagkontrol sa media? What I'm saying is, I don't want to limit our bonding moments, be it in public or private."

Lahat sila ay napatigil sa kanilang ginagawa. Nakita ko pa si Christina Daine na napaamang ang bibig. Si Mrs. Christina naman ay napangisi, samantalang blanko lang ang mukha ni Mr. Villasuarez.

What? May mali ba sa sinabi ko? I was just being honest with my suggestions.

"Ms. Torres, nasabi ko na ba sa'yo na hindi ko gusto ang tabas ng dila mo?" prangkang puna sa akin ni Mr. Villasuarez kaya napahinga ako nang malalim.

"Not yet. But you just said it. So, I'll take it, Sir."

"Good. Mabuti na ang nagkakaintindihan tayo. What if, sabihin ko rin sa'yong hindi kita gusto para sa anak ko. Will you take it too?" taka niyang tanong sa akin kaya sumingit na si Davin.

"Dad, stop it already, will you?" pagsuway niya sa kanyang ama na hindi man lang siya pinansin dahil nakatitig pa rin ito sa akin. Naghihintay sa aking magiging sagot.

Marahan kong inilapag ang kubyertos at nginitian siya. "Sir, with all due respect, I'm your best shot already. I'm the best one you can have for your son," confident kong pahayag kaya napatawa siya nang marahan.

"Pardon?" singit ni Buendavid pero hindi ko siya pinansin. Lahat sila ay tila nag-aabang sa mangyayari.

"The best shot? Really?" natatawang wika ni Mr. Villasuarez kaya tinignan ko siya ng seryoso.

"Yes," mariin kong sagot kaya napatikhim siya at bumalik sa pagiging kalmado.Nagsalin siya ng wine at pina-ikot ang wineglass.

"And why are you my best shot, Ms. Torres?"

"You wanted Davin to focus on business dahil gusto mong siya ang humawak sa Golden Zenith. But sad to say, he doesn't want it. He wants to be a doctor. So if you just look a little bit farther towards the future, I will marry him for sure. And I will be the one to take the hotel. You know, I'm currently pursuing hospitality industry so I'm somehow in lined with hotel management." I seriously said. "What do you think, sir?"

His Possessive Girlfriend : More Than EnoughWhere stories live. Discover now