Chapter 13

5.9K 312 48
                                    

Maria Artemis

Nagising ako dahil sa biglaang pagtunog ng aking cellphone na nasa kama ko rin lang dahil nakatulog ako kagabi na hawak ito. Bahagya akong napangiti nang makita ang pangalan ni Davin sa screen kaya agad kong sinagot ang tawag.

"I guess, you just woke up?" bungad niya sa akin kaya napatawa ako.

"You're right."

"It's 1'oclock already, Art. Tapos na akong mananghalin. Such a deep sleeper you are."

"Umaga na nang makatulog ako. Masyadong ma-drama ang araw ko kahapon. But I'm feeling great now, thanks to you."

"No prob. Anong oras ka pala magsisimula sa paghahanap ng maaari mong pasukan bilang trainee?"

"Uhm. Maybe pagkatapos kong mananghalian. Mga alas dos."

"Great. I'll fetch you at exactly 2:30. Huwag ka ng magmotor pa. Hintayin mo ako sa waiting shed. Kumilos ka na. I love you," mahaba niyang litanya at napadaing ako nang tinapos niya bigla ang tawag. At anong susunduin niya raw ako? Eh wala nga siyang sasakyan pagkatapos masira ang kanyang bisiklita. Psh. Sabagay, balak ko naman talagang magcommute lang ngayon.

Tumayo na ako at agad na pinuntahan ang dining room upang kumain. Kahapon ay maghapon lang akong naka-steady sa apartment ni Davin. Kinantahan niya ako ng napakaraming kanta. Thanks to that, gumaan ng sobra ang aking pakiramdam. Sinabi ko na rin ang detalye ng nangyari sa akin at sa nabulilyaso kong internship. Maging ang issue ng aming pamilya ay nasabi ko rin. He's a good listener by the way. He knows how to make me feel I'm not alone.

Ayaw kong ipaalam ito kay Dad dahil sigurado akong pagtutuonan niya ito ng oras. Masyado na siyang loaded dahil sa kanyang trabaho kaya ayaw ko nang dumagdag pa. Luxus isn't the only hotel in here, marami pa naman ang maaari kong pasukan. Just the fact that my grandmother is there, I'd rather have my internship at a cheap firm.

Niligpit ko na ang aking pinagkainan nang matapos ako at agad na naligo. Mabilisan ko ring inayos ang aking sarili.

I'm wearing a black business coat with a white polo underneath partnered with a black slack. For my footwear, I use two-inch black sandals. I put on a fresh-look make up and fixed my hair well. I'm set to go.

Lumabas ako at nagpaalam kay Kuya Resty nang makasalubong ko ito sa may gate. Tinahak ko na ang daan papuntang waiting shed na ilang kanto lang ang layo mula sa amin. Tinignan ko ang aking relo at nalamang alas dos na. Muli kong tinignan ang lista ng mga hotel at restaurants na balak kong puntahan. Lahat ng ito ay hindi gaano kasikat tulad ng Luxus pero ang mahalaga ay makahanap ako.

Napataas ang kilay ko nang may pumaradang mamahaling kotse sa eksaktong harapan ng waiting shed. Ang ilang naririto ay nagkainteres din sa kotse. Sino ba naman ang hindi?

Dahil mahilig si Vincent sa kotse, nagkaroon na rin ako ng background tungkol dito. At kung hindi ako nagkakamali, isang Audi Q2 ang kotseng ito. Kung nandito lang si Vincent ay sigurado akong mahuhumaling na naman iyon. Hindi araw-araw makakikita ng ganitong model ng kotse.

Marahang bumukas ang pinto nito at lumabas ang naka-tuxedo na lalaki. Napatingin siya sa paligid at napahinto sa akin. Nagtaka ako nang lumapit siya sa aking gawi.

"Ma'am Art? May nagpapasundo po sa'yo."

"M-me?" taka kong tanong. Wala akong kaibigan na mayroong Audi Q2. At hindi ako basta basta na nagpapaniwala sa mga estranghero. Hinanda ko na rin ang aking depensa sakaling modus ito ng aking butihing lola.

Dinukot ko ang aking cellphone nang may biglang tumawag dito. Si Davin.

"Get in the car," simple niyang wika.

His Possessive Girlfriend : More Than EnoughWhere stories live. Discover now