"Ugh. Sumigaw ka ng "I like Mr. Gunnihapat five times tapos alukin mo rin siya ng kasal. Tapos sumigaw ka ng mahal na mahal ko ang banda namin."

Labis ang halakhakan ng grupo ng sophomore sa kabilang table. Tinititigan ko ang kapatid ko na galit na galit sa pinaguutos sa kanya. Ano na naman ba kasing ginawa niya bakit siya naipit sa pamamahiyang yon?


"Sandali lang, bro." nagpaalam muna ako saglit.


Busy naman silang magusap-usap.

"Ako na ang gagawa ng dare." taas-noo akong humarap sa kanila. Ito lang pala ang makakapagpahinto ng tawanan nila.

"Who are you, then? Pinapagawa ko yung dare na yan kay Chanon. How dare you to interrupt in our conversation!" ngumiti ako ng mapait.

"Ano bang ginagawa mo rito, Kuya? Pakialamero ka talaga!" padabog na umalis si Chanon. Hinayaan ko siyang umalis kaysa makipagtalo ako sa batang iyon.

He always makes a mistakes and I don't tell to our parents. Mas lalong umaabuso yon kapag hinahayaan lang na maging ganon siya.

"He is my younger brother. Should I need to introduce myself? I am Chakri Benjakalyani, a fourth year student in the faculty of Law School. Now, I will do your challenge and please stop laughing because nothing is fun. And could you please stop making some bullshit and mocking some other peoples abilities?"

"Okay... yan ang gusto ko! Palaban." nagsipagtawanan silang lahat maliban lang doon sa lalaking may hawak ng gitara at seryosong nakatingin sa akin.

"I like you Mr, Gunnihapat! I like you Mr, Gunnihapat! I like you Mr, Gunnihapat!" I said it loudly.

Lumuhod ako sa lalaking tinutukoy nila at inaaya ng kasal. "Will you be my husband, Mr, Gunnihapat?" umirap lamang ito at inaayos sa tono ang string ng kanyang gitara.

"Ngayon, ayos ba? Nasiyahan naman ba kayo? Tigilan n'yo na ang kapatid ko. Hindi ko naman siya pinipilit na sumali sa bandang iyan dahil walang GMRC ang kagaya n'yo! Do I need to explain the further details?"

"Hoy! Baka nagkakamali ka! Siya ang tumigil at isa pa, sobrang kulit ng kapatid mo. Kung ano ang kinatahimik ng kuya, yon ang kinadaldal at kinasama ng kapatid! Ang sama ng ugali ng kapatid mo! Dapat dyan pinapakain ng salita ng Diyos!" seryoso ko silang tinignan isa-isa at mas lalong nangibabaw ang tawanan nila.

"Wala naman kayong pakialam kung masama ang ugali ng kapatid ko. Hindi naman kayo ang mahihirapan sa pagdidisiplina sa kanya. Please don't stick to someone else nose. Do you all know what GMRC means?"

"Tama na iyan... matuto kayong gumalang sa mga nakakatanda sa inyo. You should respect your elders."

"I don't need their respect. Just put some a bit respect in your body so you can respect others people too." mataray kong sabi sa leader nila at umalis na rin.

"Woah! Grabe ang intense ng labanan natin doon a?" pumalakpak si Bank at kinutusan siya ni Palm. "Tumigil ka nga dyan!" dagdag niya.

"Ang yayabang ng mga batang iyon. Sana pala ay kinuha ko yung I.Ds nila para naipakita ko sa guidance office."

"Haist... kumain ka nalang dyan, Chakri. You gave them a warn, right?"

"Oo naman. Ang tigas kasi ng ulo ni Chanon. My Mom doesn't want him to join in any music band pero nagpupumilit pa rin siyang sumali roon. Wala naman siyang talent sa pagkanta! And out of tune ang boses, kahit dalhin mo siya sa vocal lessons ay wala ng pagasang mai-improve ang boses noon."

"Ugh... sorry nga pala sa ginawa ng mga kabandmates ko. I'm here because I am sincerely apologize on what have my bandmates did to you." tumingin lang kami sa kanya.

The Beginning of After(Ang simula ng pagkatapos)Where stories live. Discover now