TBOA .2

65 44 0
                                    

Shine bright like a star

Maaga akong nagising dahil sa palakpakan at hiyawan ng mga taong nasa ibaba. Syempre nandito na naman si ate kaya nagkakagulo sa baba.

Nang makababa ako ay tuwang-tuwa si Ate Celine nang makita ako at si Felix naman ay naghahanda ng kubyertos at pinggan sa lamesa.

"Good morning, baby boy!" isang mahigpit na yakap ang sinalubong ko mula kay ate.

"Hey, Jasper! I prepared your breakfast today. By the way, good morning!"

"Grabe! Ang tangkad na ng kapatid kong ito. Si Chanon nga pala, umalis na naman ba?"

"Ay hindi, ate! Nasa kwarto niya... natutulog pa, napuyat kasi kakalaro yon kagabi."

"As usual, sleeping oil mannerism. Ang tanda na eh!"

"Huwag mong sinasanay ang kapatid mong natutulog ng halanganing oras. Kaya hindi nagkakaroon ng girlfriend eh!"

"Look my huge package! From Thailand, namili ako ng maraming assorted for man. Nabalitaan ko kasi yung nangyari kay Felix na nanakawan siya so I put a bit of effort, least that I can provide."

"Wait! May binili na rin akong grocery ninyong magkapatid. Matutong magtipid ha?"

"Kung gusto mong makihati sa dalawang ito, makihati ka nalang, okay? Sa sobrang kamamadali ko kasi hindi ko namalayan na kulang pa pala yung pinanggrocery ko."

"Ate, wala bang oversize na T-shirt dito? Yung pink sana?"

"Marami sa ilalim. Bakit? Kailan ka pa nagkahilig sa mga pink, ha?" napaawang ang bibig namin ni Felix. Siya kasi yung bibigyan ko ng damit eh.

"Eh, parang hindi na bago sa'yo yon ha?" pagdadahilan ko.

"Hmm... wow ha? May paflowers. Kanino naman nanggaling ito?"

"Ang sweet... lipas na ang Valentine's pero may nagbigay pa rin ng gift. Ang swerte ni girl." binitbit ni Ate yung sunflowers at siningot.

"Ah, ah, k-kase, ate... may bagong nililigawan yata si Chanon... Oo, p-parang ganon na nga..."

"Are you sure? Baka naman nagsisinungaling kalang sa akin, Chakri, ha? Umayos ka. Ang cute ng sunflowers, sana lahat may jowa. Nakakainis!"

"Ah, ate... kumain muna tayo. Napaaga ka ng dating eh tsaka sayang yung niluto ni Felix. Kumain muna tayo bago mangalkal ng mga damit."

Dinala ko si ate sa may hapagkainan. Nilagyan naman ni Felix ng kanin at ulam yong plato ni ate. Tinignan niya ako at ngumiti.

"Wow, ang sweet naman... Hay nako, Felix... Ang swerte ng magiging girlfriend mo in the future kasi sobra kang maasikaso."

Natahimik kaming dalawa. Naramdaman ko na agad yung pakiramdam ni Felix kasi kagagaling lang niya sa matinding breakup.

"Ay, sorry? May nasabi ba akong mali? Just tell me right now. I'm so sorry. Hindi ako nagiingat."

"It's okay. Don't mind it."

Nakakainlove talaga yong husky voice ni Felix. Yung Tagalog niya ay nagiimprove na rin kahit papaano. He is still learning to speak Tagalog pa.

"Ang ganda mong managalog. Are you grew up in States? Medyo baliko pa kasi pagsasalita mo ng Tagalog?"

"No. We weren't grew up in States. My grandparents are very strict when it comes for constructing a grammar. Araw-araw kaming nagaaral ng English. May parusa kasi kapag nagsalita ng Tagalog so I pursued myself to learn pure English."

"Okay... kaya pala medyo koño ka... Now, I get it..."

"Do you have a girlfriend? If you don't mind, Can I ask where she is?"

The Beginning of After(Ang simula ng pagkatapos)Where stories live. Discover now