TBOA .3

38 27 0
                                    

Missing one piece of puzzle. Don't trust your illusion. [True Feelings Part 5]

Tahimik lang akong nagrereview kasama ang mga kaibigan ko. As usual, parang buntot ng aso itong si Felix, palaging nakasunod kahit saan ako magpunta.

"Nangangamoy love quarrel. Hindi mo yata nilalambing, bro?" nagsalitan ng tingin itong si Bank sa amin.

"Kulang lang yan sa dilig." tawang-tawa biro ni Palm na siyang kinapula ng kanyang mukha.

"He asked me to go out somewhere. As usual hobby, books is his companion. Sila yata ang magkarelasyon."

Tumawa ako ng mahina but deep inside, I'm irritated. Why does he bringing his being irrelevant of such topics we have?"

I rolled my eyes in exasperation.

"Relax... my madness. I'm just joking around."

"Ewan ko sa 'yo. Maghanap ka ng kausap mo."

"Guys we have a night camping. Sama naman kayo sa outdoor activities namin. Gusto ko lang icelebrate yung friendanniversary naming apat. Walang dalahan ng jowa ha? Mga kasama n'yo ay puro singles not ready to mingle."

"Kung hindi naman pala makakasama si Felix sa atin ay hindi na rin ako sasama. Gusto ko siyang kasama sa outing natin." sabi ko habang busy sa pagbabasa.

"Relax... calm down. Plano palang naman ito, not sure if we going though. Basta ang alam ko lang ay walang magiiwanan sa darating na outing para naman, walang magtampo di 'ba?"

"I'm going with Jessa. May girlfriend ako. Dapat may kasama rin para may kapares." pagmamalaking sabi ni Gulf.

"O sige... sige. Magsama na kayo ng jowa n'yo. Basta walang hindi makakapunta ha? Maghihintayan tayo. Doon tayo sa forest ng tiyohin ko. May maliit naman silang resthouse roon. Don't worry guys, walang masamang engkanto roon o mga wild animals."

"Taena, Palm... tayo nalang walang jowa, oh? Tayo nalang kaya?" agad na nilubayan ni Palm si Bank na akmang hahalikan ito.

"Guys. Magprepare nalang muna tayo sa upcoming bar exam. Hindi pwedeng hindi ako makapasa roon."

-----------------

"Hi, Good afternoon to all! My name is Chakri Jasper De Jesus Benjakalyani. A 4th year graduating law student."

"Hi, My name is Barley Nicki Seraspi. Tinawag nila akong bank kasi ako ang source of financial needs pagdating sa outing ng tropa. Pinili ko ang kursong Polsci kasi... pass... next question, please?"

"Magandang afternoon, sa inyo! Ako nga pala si Parceo Liam Pangilinan. Medyo conyo kasi nga naghighschool ako sa La Salle. So, 'yon nga. Thank you."

"Magandang tanghali sa inyong lahat! Ang aking pangalan ay George San Jose, maikli lamang iyan kumpara sa pangalan ng mga kaibigan ko. Kaya ko po pinili ang kursong Polscie kasi... Ay, Ma'am nawalan po ng internet connection."

Ako si Chakri Jasper De Jesus Benjakalyani. Lima kaming magkakaibigan sa parehong kurso at department. Kakaiba kami sa ibang magkakabarkada kasi hindi kami madalas uminom ng alak at magpunta sa bilyaran para takasan ang klase.

I hate recitation. Noong wala pang pandemya, palagi akong tinatawag ng prof ko para itanong ang depinisyon ng mga bagay bagay.

---------------

"Mga bakla ng taon! Namiss ko kayo! Jusmiyo! Pumunta ako sa condo unit pero walang tugon si Chanon. Nakakainis yung batang yon ha? But anyways, kamusta naman kayo?"

Masaya kaming sinalubong ng yakap ni ate Remy. Nandito pala siya.

"Ano kaba!? Magsalita naman kayo! Ano? Ngayon lang ba nagusap? Hug me naman, oh?"

The Beginning of After(Ang simula ng pagkatapos)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon