TBOA. 4

41 19 0
                                    

Let's create our own film. An innocent filmmaker vs fighter lawyer. Tinahak ang landas ng maling tao.

Nakakabadtrip ang araw na 'to. Kagagaling ko lang sa unit ni Felix tapos wala pa akong masakyang taxi.

I was standing in the edge of road, usually nakagawian ko na talaga yung ganito. Ang hirap nga lang ngayon ay pahirapan at agawan sa transportasyon.

"Hey! Hop in! Let's enjoy our road trip. Papuntang Intramuros. Sabay kana sa 'kin? Mahirap kayang magabang dito."

Kumunot ang noo ko at hindi siya pinansin.

"Wow? You just ignoring me. Mahirap sumakay sa area na 'to. Ikaw din, bahala ka. Malilate na ako. First day na first day sa school tapos nagpapabebe ka lang diyan."

"Excuse me? Walang free ride sa stranger na kagaya ko 'no!"

"Arte mo naman. Magex na nga tayo kahit papaano may pinagsamahan pa rin tayo."

"Sakay na. Mahirap kayang makipagagawan ng taxi rito unless if you took a ride from jeepneys."

"Sige na nga... ngayon lang, ha? Pupunta ako sa Ateneo ngayon para manguha ng requirements."

"Sus. Hindi ka pa nga nakakagraduweyt."

"Kahit na... mageenroll pa ako sa graduate school para ipagpatuloy ang pagiging soon to be lawyer. Hays, ayoko nga ng ganoon eh."

"Ikaw bahala. That is your decision, I don't mind."

Matapos ang usapang iyon ay tahimik akong tumitingin sa tanawin. Hindi ko naman pwedeng kausapin si Felix kagaya nang dati. Ex ko nalang siya ngayon, dapat nga wala ng closure kagaya ng ganito eh.

"Bakit ba concern ka pa rin sa 'kin?" tanong ko nang hindi siya nililingon.

"I want to be your friend. Kagaya ng dati, sarap kayang ulitin yung panahon na stranger palang turing mo sa 'kin. Wala naman masama kung magkaibigan nalang tayo. Your ate doesn't totally disagreed with that. Ikaw lang naman ang problema eh."

"Ako? Ako pa ngayon yung problema? Dapat yung mag-ex nalang ngayon ay hindi na nagiging magkaibigan pa. Ano yon? Basura na nga lang, pinulot pa. Ayokong magtabi ng basura sa buhay ko."

"Bakit nandito ka pa eh ayaw mo naman palang may katabing basura? I would never defaming you. Because you know what? Marami tayong pinagsamahan, maraming pinagkasunduan, nagmahalan, naghalikan, nagyakapan. Kaya iniisip ko muna bago ko ipagsabi sa iba."

"Kung basura ang tingin mo sa 'kin, anong tawag mo sa sarili mo? Basurahan? Tirahan ko dahil ikaw lang din naman ang tumapos ng sa 'tin. Ikaw lang din naman ang hindi sumugal. At higit sa lahat, ikaw lang din naman ang nanakit."

"Bumaba kana. Thank you for hurting me again."

Natulala muna ako ng ilang sandali at tinanggal ang seatbelt tsaka bumaba sa kotse niya.

"S-salamat." pinasalamatan ko siya kahit na kakaalis pa lang.

-----------------

"Hoy, mga pare? Balita? Balita ko, nakapasa ka sa bar exam, Chakri?"

"Ah, oo... noong isang araw pa. Tumawag sa akin si Ma'am Chavez. Ayos naman daw yung sinagutan kong exam."

"Mabuti pa kayo, nakapasa. Ako kaya when?" binatukan ni Palm si Bank.

"Siraulo ka kasi, akala mo robot yung sinasagutan mo kung hindi ka naman bugok!"

"Ulul. Isa ka pa! Dinaya mo kaya yung exam kahapon."

"Ah, madaya?"

Pinaghahampas nila ng libro si Bank. Kawawang Bank, palagi nalang lugi. Hindi pa makapalag.

The Beginning of After(Ang simula ng pagkatapos)Where stories live. Discover now