TBOA .3

54 36 0
                                    

Starting again. Isang ulit pa uli, ha?

Nagsisimula nang umangat ang Pilipinas at alam ko, soon ay ma-lilift na rin quarantine. Madami akong namiss na gala nights sa TGC. Masayang nakakapagpicture sa iba't-ibang malalaking gusali.

"Hoy, anong tinitignan mo riyan?" iniiwas niya ang kanyang phone sa mata ko.

"Ano bang mayroon bakit ayaw mong ipakita 'yang nasa phone mo? Siguro nagkakachat pa kayo ni Bea 'no? Yiee!" tinusok-tusok ko ang tagiliran niya at umiling siya ng nadidismaya.

"Hoy, prank ba ito? Why don't you want talk to me? Maganda mood ko ngayon kasi natapos ko na lahat ng activities ko. Thesis nalang ang kulang. Sana nga ay mataas ang makuha kong points sa isa kong activity kasi mukhang komplikadong sagutan yung isang 'yon."

"Good to know that you have already finished your online homework." walang gana niyang sambit sa 'kin.

"Wow, ha? Ang sungit-sungit mo naman! Kanina pa kita tinatanong eh! Tsaka nga pala, si ate Remy ay soon to be graduated na as Business ad major in marketing. Mabuti pa siya nakakuha ng business ad at pagraduweyt na samantalang ako, ni isang achievement ay wala man lang napulot."

"Hoy, kausapin mo naman ako? Para akong tanga na nakikipagusap sa wala."

"I'm not in my mood, okay? Labas lang muna ako." sinundan ko siya hanggang sa makalabas siya.

"Bakit mo ba ako sinusundan ha?" galit niyang tanong sa 'kin.

"Wala... gusto ko lang talagang makipagusap sa 'yo."

"I don't want to talk in anybody so please stay away from me. Gusto kong mapagisa, bakit mo ako sinasamahan?" irita siyang nagkamot sa tabi ko.

"Kaya ka ba nagkakaganyan ay dahil sa nangyari kahapon? Just tell it to me para hindi naman ako nagmumukhang gago rito, oh!"

"Okay... walang koneksyon ang problema ko sa nangyari kahapon. I'm not so being narrow minded tsaka hindi ako nagoopen up ng problema maski kanino kaya pumasok kana lang sa loob kung ayaw mong madamay sa galit at inis ko ngayon, okay? Pakiusap lang po, pwede?" dire-diretso niyang sabi.

"Wala lang ba ako sa 'yo?" naiiyak kong tanong. Kaya pa namang pigilan. Kalma, self.. okay, breath in breath out...

"What are we now? Wala namang tayo, di 'ba? Tsaka 'wag mo akong artehan na parang boyfriend mo ako!"

"Teka nga lang... ang bastos mo, ha? Sino ba ang unang tumulong sa 'yo? Sino ang unang sinandalan mo noong panahong nahihirapan ka sa pagmomoveon kay Bea, ha? Sino ang nagpatira sa 'yo sa apartment na 'to? Sinong tumulong sa 'yo noong panahon na walang-wala ka at walang malapitan. Ako yon, Felix! Ako lang ang gumawa sa 'yo ng mga bagay na hindi nagawa ng mga hiningan mo ng tulong!"

"Oh, ano... magsusumbatan nalang ba tayo? First of all, I refused your offer. Ate mo lang talaga ang pumilit sa 'kin na dito tumira. Pangalawa, hindi ko sinabing tulungan mo ako sa pagmomoveon. I'm not even used to you! Hindi kita ginamit just to heal myself. Pangatlo, sariling pera ko ang ginastos sa mga pangangailangan ko. Kung magsusumbatan tayo ng utang na loob ay dapat pala hindi na ako tumuloy sa bahay na 'to, una palang! Ako pa ang nagkaroon ng utang na loob. Pambihira..."

Sinabunutan niya ang kanyang sarili at sumigaw sa sobrang inis.

"Pasalamat ka, bading ka kung hindi matagal na kitang sinuntok sa mukha. Mabuti nalang talaga at mataas ang respeto ko sa mga baklang kagaya n'yo."

"Kung susumbatan mo ako dapat una palang hindi na kita nakilala. Kung susumbatan mo lang pala ako, dapat una palang pinalayas muna ako! Hindi yung ginagawa mo akong utusan, kaaway. Hindi ako punching bag para buhusan mo ng galit at inis kung magustuhan mo lang. Kung gusto mong irespeto ka, respetuhin mo muna yang sarili mo. Kung may problema man ako, labas kana doon." Kinuwelyuhan niya ako at nagtitimpi ng galit sa 'kin.

The Beginning of After(Ang simula ng pagkatapos)Where stories live. Discover now