TBOA .4

66 45 0
                                    

May pagtingin na ba?

"Salamat dito ah, kuya Felix." kinusot-kusot ko ang mata ko.

Alas siyete y media pa lang ng umaga ay naririnig ko na ang sigaw ni Chanon galing sa ibaba.

"Tsaka... kung hindi dahil sa'yo ay hindi ko makikilala.. yon, oh?" sutsot niya malapit sa kinatatayuan ko.

"Gising kana pala, kuya. Ang bait ni Kuya Felix, oh? Papasok na ako ng school tapos binigyan niya ako ng PSP station. Woah! Makakapaglaro na rin magdamag."

Ngumiti ako ng mapait.

"Nagiimpake kana? Bakit hindi mo naman ako in-inform kaagad?" nangingiti kong tanong ngunit masama ang loob ko na palayain siya.

"Syempre... may camping kami next day. Gusto mo bang sumama? Nga pala, lahat ng Polsci batch ay nasa camping station na. Ginagawa nila 'yon para marelax yung mga estyudante so they don't feel pressure on themselves."

"Naiiyak ka ba?" lumapit agad siya sa akin at pinupunasan yung mukha ko.

"Ah... hindi ah! Hindi naman ako namatayan eh."

"Oh, basta... magiingat ka roon, ha? Ayokong natutuyuan ka ng pawis." ngumiti ako at inayos yung manggas ng polo niya.

"Oo naman... for you, I will always taking care of myself. Sana ay ganon ka rin. I love you, my madness." Then he sweetly smiled at me.

"Ayoko maging thirdwheel, mga kuya ha?"

"Stupid! Kailan ka ba naging thirdwheel eh, hindi ba may nililigawan ka rin? Tsaka wala pa kami ni Felix. He is starting to court me 'no. Ayokong minamadali ang mga bagay-bagay."

"He, hey? Kuya Felix. Don't forget to invite me soon. I mean... sa night gig n'yo..."

"Oo naman. No problem. Basta ikaw, expect mo nang invited ka." sabay akbay kay Chanon.

Pumunta ako sa sala para manood ng pelikula. Ang boring talaga, paulit-ulit nalang yung everyday routine ko sa buhay. Wala man lang kadating-dating yung mga pelikula sa Netflix. Karamihan kasi rito ay napanood ko na.

"Hey, what is up, my madness? Nakapili kana ba ng movies? Maganda yung Lucifer yung bagong movie sa netflix. Highly recommended!"

"Bakit ang lungkot ng mukha mo? Babalik naman ako agad eh. And besides, I don't entertain anyone just to flirt girls on camp. Kilala mo ako, being loyal in only one."

"Kung gusto mo, sumama kana lang sa amin? Para hindi ka mabored kaysa naman hinihintay mo ako rito."

"Ang kulit! Hindi nga ako makakasama, hindi ako pinayagan ni Ate Celine tsaka ang boring sa mga camping na ganyan. Walang libro at walang kailaw-ilaw. Hindi rin ako makakapagfocus sa studies ko."

"You just only thinking of yourself kasi eh. Uso mag-aliw paminsan-minsan at safe kaya sa mga camping. Ilang beses na akong nakakapunta ng camping. Umuuwi naman akong ligtas. You must have try atleast once. YOLO tayo, you know?"

"Tsk. Kaya pala ang dami mong printed shirt na puro quotes." napangiwi ako sa kanya.

"Syempre. Pagbibigay motivation sa buhay kapag alam mong sumusuko kana, uso magbasa ng bible quotes. I swear, nakakatanggal ng doubts at loneliness sa life."

"Kahit itanong mo pa kay Rems. I love reading bible quotes and motivational quotes as well. Nakakagaan ng mind."

"Ilang araw ka naman sa camping resort?"

"3 days straight pero kinabukasan ay nakauwi na ako."

"Ang tagal naman noon! Okay lang naman, wala akong makakaaway sa unit. Bulyawan ko nalang si Chanon maghapon."

The Beginning of After(Ang simula ng pagkatapos)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora