TBOA .2

131 59 0
                                    

I like you, Mr Gunnihapat

"Ano, babantayan mo na naman ako na parang asong pinapatae sa kalsada?" dabog na kinamot niya ang kanyang ulo.

"Hindi mo ba nahahalata? Na ayaw nila Mama at Papa na hinahayaan kitang pagala-gala lang sa school. Look at your grades, damn failed. Oh, Jesus! Just obeyed them once. Hindi ka ba nagsasawa na paulit-ulit ka nalang pinapadala sa guidance office?"

"Yabang mo, ha? Palibhasa matalino ka, hindi kiporke matalino ka ay alam mo na ang lahat ng mga bagay sa mundo!"bumuntong-hininga ako at nagpeke ng ngiti.

"I'm not smart nor stupid. Malay mo masipag lang talaga akong magaral. Tsaka parehas lang naman tayo ng ugali. May pinagkaiba lang naman ng konti. Alam kong matalino ka rin hindi mo lang talaga kayang gawin. Be productive and do your task, Chanon. Para naman maging proud din sila Mama sa'yo."

"Sige na, sakay na sa loob. Papasok din ako sa loob." tinapik-tapik ko ang likod niya sabay tingin niya ng masamang titig sa akin.

"Relax... hindi taginit ngayon kaya wag kang kumulo dyan. Hindi ka naman pinaglihi sa takure, diba?" akmang susuntukin niya ako nang pigilan siya ng driver namin.

----

Tsk... ang hirap naman ng homework na ito! Ugh... Chakri? May sagot ka na ba? Pakopya naman." pagmamakaawa ni Bank nang makaupo ako sa upuan ng library namin.

"Are you lazy? That is only a simple task, Bank. Kay Palm ka nalang manghingi ng sagot, hindi ako nagpapamigay ng sagot." nagkamot ng ulo si Bank at lumapit kay Palm.

"Ugh... Chakri? May naghahanap sa'yong sophomore kanina. Nako, akala namin ikaw yung sikat... yun pala yung isang lalaki na yon ang pinagkakaguluhan. I think siya yung nakapasa doon sa audition kahapon. Hindi ba, naghahanap sila James ng bagong member?"

"Ulul. Matagal nang nagaudition yong mga estyudante roon kaso nga lang ay tumigil siya noong nakaraang taon, hindi pinayagan ng Aunt!"

"I don't remember his name. Ano ba yon, babae o lalaki?" curious kong tanong kay Gulf.

I'm not that kind of person na kahihiligan ang mga babae. Hindi naman ako bakla but I highly respect them. Yung kapatid ko, ayaw na ayaw noon sa mga bakla, pinapatulan niya maski sino. He is so goddamn player but his brain is missing out, siguro namisplaced niya ang utak niya.

"Lalaki. Sila pala yung bagong banda na pumalit sa bigdayph? Haist... kaya pala dumog na dumog ang Ateneo University dahil sa gwapong sophomore na 'yon! I admiring those boyband, akala mo pang international yung datingan. At may fashion din siya pagdating sa pananamit."

"Baka naman crush mo yon, Gulf! Ayaw mo lang umamin!" pangungutya ni Palm at Bank sa isa naming kaibigan.

"G*go! Hindi ako nagkakagusto sa mga lalaki 'no tsaka may girlfriend ako kaya malabo yang iniisip mo." pangangatwiran naman ni Gulf na panay ang kaltok kay Palm.

---

Nang matapos ang apat naming subjects ay nagpunta kami sa canteen. Kumunot ang noo ko dahil naaninaw ko sa malayong tingin si Chanon, na nakikipaghalubilo sa mga sophomore. Is he making a fight again? Wala na talagang ginawang tama itong batang ito, hays!

"Sandali lang. I have to go, just wait me here in 30 minutes?" sabi ko sa mga kaibigan ko at umalis na.

"Gusto mo bang sumali sa banda namin? Ano ka sinuswerte? Bawal bata sa banda namin. Mukhang hindi ka naman marunong kumanta e!"

"Anong sa tingin mo ang kaya mong gawin? Maghampas ng beat box at kumanta ng reggae songs!?"

"Are you interested joining our band? Umm... wait... magiisip muna ako ng maaring ipagawa sa'yo then you are free to join us."

The Beginning of After(Ang simula ng pagkatapos)Where stories live. Discover now