TBOA 10

42 13 0
                                    

Chapter 10: Ways on how to get a happy relationship (Have courage to face the commitment slash apologize)

Nakatapak ako sa maraming bato at maputik na daan. Bumuhos ang malakas na ulan kagabi kaya siguro nagkaganito yung kalsada.

As usual, lagi ko namang bitbit yung payong ko. Ready to protect myself in any climate.

MAMA'S CALLING.

"Oh, anak? Hindi ka ba babalik sa mansyon? May mga pasalubong ang tito mo galing sa Kuwait. Baka naman umuwi ka muna para makapamili kana rin."

"Ah, Ma? May lakad kasi ako ngayon. Baka sa susunod na araw pa ako makakapunta ulit. Marami po akong aasikasuhin."

Habang kausap ko si Mama ay nagkatinginan kami ni Felix. Naglalakad din siya papunta sa waiting shed.

"Oh? Anak? Mukhang mahina yung signal mo riyan. Hindi ka kasi nagalaw."

"Ah, Ma? Paubos na po yung data ko. Mamaya nalang po ulit kita kausapin. Babye!"

Pinatayan ko ng tawag si Mama.

"Felix?" kinalabit ko siya at ngumiti.

"Uy, Felix? Salamat nga pala sa paghatid sa 'kin sa unit ko, ha? Hindi ko na kasi alam yung sumunod na nangyari kagabi."

"What?" tinanggal niya yung kabilang earphone na nakakabit sa tainga niya.

"Salamat 'ka ko, yung kahapon." ngumiti ulit ako.

"I don't know what are you talking about."

"Ah, teka lang?" sinundan ko siya papasok sa loob ng bus.

"Galit ka pa rin ba?" nahihiya kong tanong sa kanya.

"Ano ba yang binabasa mo?" napatingin ako sa binabasa niyang libro. It looks interesting.

"Ah, Film book? Kinuha mo talaga yung film course 'no? Ganyan ka ba talaga ka interesado sa pelikula? May future ka ba riyan? Buti naman at napapayag mo si Mama mo na kumuha ka niyan."

"Stop talking." sinamaan niya ako ng tingin.

"Nga pala. Inimbitahan ako nila Bank sa probinsiya ng lola niya. Sa Benguet sa Baguio, hindi pa ako nakakapunta roon."

"Pake ko? Don't share your daily things besides, we aren't close."

"Manong, bayad ko, ho. Dito nalang po."

"Ah, manong ako rin po. Bayad ko. Pakibaba nalang din po ako."

"Nangiinis ka ba?"

Palapit ako sa kanya nang nagkabungguan kami sa isa't-isa. I can almost see his facial expression. Yung seryosong-seryoso makatitig

Tanga-tanga mo kasi, Chakri! Bakit sumunod ka pa?! Ako tuloy yung parang naghahabol.

"Bakit mo ba ako sinusundan?"

"Oy, hindi kita sinusundan. Nagkataon lang na parehas tayo ng destinasyon na pinuntahan."

"Wala na tayong kailangan sa isa't-isa. Isa pa, naistorbo mo 'ko sa unit ko kahapon. Mabuti nga hindi kita pinablotter."

"Grabe ka naman! Hindi naman ako nanloob tsaka–"

"Tsaka, ano? Iinom-inom ka tapos manghihimasok ka sa ibang bahay. Isalugar mo naman pagiinom mo. Tanda mo na e."

"Kasama ko mga kaibigan ko, dito rin ako matutulog ng tatlong araw. Umuwi kana lang sa inyo."

"Ayoko nga. Dito rin kasi yung punta ko tsaka sayang pamasahe ko. Layo kaya nito." sinoot ko yung black shades ko tsaka nginitian siya.

The Beginning of After(Ang simula ng pagkatapos)Where stories live. Discover now