TBOA 6

44 34 0
                                    

CHAPTER 6: We are officially couple. Happily containing label.

"Mabuti naman at nagising ka." malungkot siyang naghahalo ng kape.

"Onga pala, pumunta yung ate mo rito. Nagbigay ng grocery items para daw sa makakain n'yo. Alam mo na, in case of emergency ay mayroon kayong stocks. Kahit naman naglift na ng quarantine, hindi parin maiiwasan na kapitan ng virus."

"How about you? Wala kana bang stocks?" ngumiti siya ng mapait at tinignan niya ako.

"Wala pang padala si Aunt. Wala pa ring tawag sila Mom and Dad. I don't know where should I get money. Ayoko namang humingi sa inyo, nakakahiya kaya..."

"Nga pala, nagpunta si Timmy kahapon. Nagbigay siya ng ilang books sa 'kin. Hindi ba, mahilig kang magbasa at interesado ka sa mga business studies? Oh, ayan, binibigay na niya sa 'yo. Kung gusto mo magestablish ng business, yan, books. You can use these books for reference."

Inabot niya sa akin ang tatlong makakapal na books na galing kay Timmy. Ang ex-crush na bestfriend ko since highschool.

"Syanga pala.... speaking of modules... wala ka bang online class? Hindi kasi kita nakikitang nagaaral dyan eh."

Tahimik siyang lumagok ng kape at tinikhom ang bibig.

"Is that really important? Bumagsak ako sa 2nd sem kaya nagdecide yung profs ko na ibagsak ako. Dalawang subjects ang ibinagsak ko. Kaya no choice ako kundi balikan ang 2nd year..."

"Ayokong sabihin sa 'yo ito noon pero ngayon ay alam mo na. My Mom gets mad at me, extremely mad... no words could explain how devastated she was. I admitted it, it was my fault... I told it to them that I'm going to shift in another course but they gave me disapproval. Magaaral pa ba ako? Baka ikaw pa yung unang maging successful sa 'tin..."

"Paano ako makakapagshift eh bagsak na nga ako ng dalawang subjects?"

"Ano ka ba... hindi pa naman huli ang lahat. Marami pang pagkakataon para makapagaral ka ulit. Edi magshift ka sa kursong gusto mo. Bata ka pa, Felix... and I'm sure may plano si God para sa 'yo."

"Mahal na mahal ka ng parents mo. Hindi lang nila pinapahalata. Mahal ka noon, basta makikinig ka lang sa kanila. Baka sa susunod mong school journey, baka... makakuha ka ng mataas na marka sa report card."

"Stop crying... walang patay, Felix. Everything will be fine. Magrelax ka lang muna and let's just waiting them to decide which plan is better for you."

"I want a film... gusto ko maging direktor o kaya sikat na representative sa theatre. Hindi ko sinabi sa kanila ang mga yon because Dad wants me to become a surgeon tapos si Mama naman ay lawyer. Alam mo yon, unti-unti nilang pinapatay ang mga pangarap natin sa buhay."

"Alam ko, naiintindihan kita. Nasa sitwasyon din kita but I never wish to be in this situation. Marami rin akong pangarap sa buhay pero sagabal ang parents natin."

"May mga bagay kasi na hindi talaga para sa 'tin. Tulad ng inaasahan natin na makakapagsuot tayo ng uniform na hinahangad natin. Gustuhin man natin na maging policeman, doctor, nurse, filmmaker, chef, pilot... kung ang parents natin ay gusto tayo maging main characters sa pangarap na binuo nila sa future natin. Hindi talaga tayo makakabuo ng plano para sa sarili natin."

"Yung puro drawing nalang... imagination... dasal at lakas ng loob. Magagawa naman natin yan sa ibang paraan nga lang."

"Oh, tumatawag si Mama mo. Sagutin mo na, malay mo naman magbago yung isip."

Tinitigan niya muna ako at litong-lito dahil hindi niya alam ang gagawin.

Scene {Phone Conversation between Mom and son. Felix entered the scene.}

The Beginning of After(Ang simula ng pagkatapos)Where stories live. Discover now