“ Ahhhhhhhh!!! “

Napaupo ulit ako sa kalsada nung tinangka kong tumayo, Waaa. Ang sakit ng paa ko L

“ Tsssss. Pakipot kasi “

Nandito pa pala ‘tong kumag na ito, at ano daw?

“ Anong sabi mo? “

“ Tsss. Bingi pa “ Pabulong lang niyang sinabi yan pero narinig ko parin.

Hindi ko nalang siya pinansin, hinimas-himas ko nalang yung parte ng paa ko sa masakit.

Pero bakit hindi parin ‘to umaalis?

“ Oh ano pang ginagawa mo dito? “ mataray kong sabi.

“ Tsss. “

Ayan nanaman yung “ Tsss. “ niya nakakainis na ah -____-“

“ Waaaaa! Anong ginagawa mo? Ibaba mo nga ako! Waaaaa “ Ano ba sa tingin niya ang ginagawa niya? Bigla ba naman akong binuhat ng parang buhat na parang bagong kasal kami -________-“

“ Waaaaaa. Ikaw yata ang Bingi eh? Di mo ba naririnig sabi ko I-BA-BA MO A-KO! Naman eh. “

Hindi lang siya umiimik, iniiwas niya lang yung ulo niya kapag hinahampas ko siya sa dibdib niya.

“ Madami kang galos “ Aba sa wakas nagsalita narin.

Tinignan ko yung braso ko, madami ngang galos at nararamdaman ko narin ang pagkirot ng mga sugat ko sa binti.

Hindi na ako nagmatigas pa, baka mamaya ibaba niya talaga ako dito, ayoko naman nun -_________- at isa pa nasa bahay pa niya ang mga gamit ko.

Hindi nagtagal nasa harapan narin kami ng bahay nila at woaaahhh! *Drools* bahay lang ba talaga ito? Parang kasing laki na ng school namin ito ah?

“ H-hoy ano ba? “

Bigla bigla nalang kasi niya akong ibinaba pero dahan dahan naman, siguro nabigla lang talaga ako. Kailangan na pala niya akong ibaba dahil bubuksan niya yung gate ng palasyo nila.

Napatingin ako sakanya nung bigla nalang siyang nagsalita.

“ Nag-enjoy ka na masyado “

Huh? Ano daw? Saan ako nag-enjoy?

“ Ano? “

“ Tss. Pakipot talaga “

Huh? Ano daw di ko gets? Saan naman ako mageenjo----

“ H-hoy! Ang kapal kapal ng mukha m--- Hoyyy! Ano nanaman ba ang ginagawa mo? Kaya ko ng magalakad mag-isa! Ano ba? Ibaba mo ako sabi! “

Waaaa! Bigla nanaman kasi niya akong binuhat! At ayan tuloy-tuloy lang siyang naglalakad na parang walang naririnig at hindi rin naman siya natitinag sa paghampas ko sakanya.

At kagaya kanina haaaayyy. Ako nanaman ang sumuko at hinayaan nalang siyang buhatin ako tutal mabango naman siya *3*

Waaaaaaa! Ano ba ‘to! Nagte-take advantage na ba ako sakanya? N-n-no! Siya ang nagkusang buhatin ako noh! Hindi ako nageenjoy, napansin ko lang talaga na mabango siya :”>

“ Tsss. Anong nginingiti-ngiti mo dyan? “

Kyaaa. Bakit nakangiti na ba ako?

“ Tsss. Anong pinagsasabi mo dyan? Mas hilo ka pa ata sakin? “  Yan nalang yung sinabi ko sakanya, bakit nakangiti na ba ako kanina?  Hahaha. At ginaya ko pa yung “ Tsss. “ niya may kasama pang snob. Hahaha.

Ilang kilo na ba ako? Hindi kaya ito nabibigatan saakin? Paakyat na kasi kami sa hagdanan.

“ Oh iho nakita mo na pala siya. Ok ka lang ba iha? “

Biglang dumating yung kasambahay yata nila mukhang bumili siya ng mga pagkain madami siyang plastic na dala eh.

Nag nod nalang ako bilang respond dun sa matanda.

“ Manang magdala po kayo ng tubig na mainit sa kwarto at kahit anong malinis na pamunas “

Yun lang yung sinabi niya at nagpatuloy na siyang maglakad.

Pagkarating naman sa isang kwarto.. Errr.. kwarto lang ba sakanila to? Eh parang bahay na namin to ah?

Iniupo niya ako sa may sofa.

“ Ah-aray ano ba? “

Bigla nalang kasi niyang itinaas ng bahagya yung paa ko at iniluhod niya yung isa niyang tuhod para maging kapantay niya yung mga paa ko, tinitignan niya ata yung mga galos.

“ Just wait here “

Pagkatapos nun bigla nalang siyang lumabas, leaving me alone sa loob ng isang malaking kwarto.

One More TryWhere stories live. Discover now