[7] The Plan. Hehe.

13 2 0
                                    

[7] The Plan. Hehe.

[Thylane's PoV]

"Hoy Ate! May past ba kayo ni Ryu?" Naglalakad kami ngayon papunta sa meeting room daw.

Saktong dalawang linggo na ang nakalipas simula nung may dumating na epidemya sa bansa. At isang linggo na akong naiinitriga sa kanila.

Imbes na sagutin niya ako ay tinaasan niya lang ako ng kilay pero kita namang kinikilig.

'Feeling teenager. Kadiri.'

"Ano? Meron ba?"

Tumingin siya sa'kin na para bang naririndi na. Pero hindi ako nagpatinag.

"Tsaka bakit ganyan outfit mo?" Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa.

'Hindi ganito ang Ate ko, baduy siya noon pero ngayon nakasando at pantalon siya ng hapit na hapit sa kanya. Kitang kita tuloy ang kurba ng katawan niya. Naka combat shoes din siya pero hanggang tuhod.'

"At hindi ka nagtitirintas Ate. Hindi ka nag aayos ng sarili. Nako iba na 'yan!"

Isa 'yan sa hindi niya noon ginagawa.

'Ang mag ayos ng buhok niya.'

Pero hindi niya talaga ako pinansin hanggang sa makarating na lang kami sa meeting room. Napairap na lang ako.

"So, are we complete?"

Kumpleto na sila kami na lang talaga ang kulang.

"Ikaw lang naman lagi ang inaantay Elin."

Sinamaan ng tingin ni Ate si Kuya Lau.

"Ha ha ha biro lang e. Pucha."

Rinig ko ang tawanan ng mga nasa loob.

"The number of survivors are increasing, kakapusin na tayo sa supplies."

Panimula ng Ate ko. Totoo naman 'yun, ang base namin ngayon ay hindi ganun kalaki, luma itong school.

"One more thing, we need to expand our territory, also, the security. Magtatayo na tayo ng mga tents para sa iba pa nating marerescue sa mga susunod na araw."

Tatango tango naman kami dito, nakita ko kanina na nagbabakod sila tapos may shifting ng bantay sa mga posts, lahat naman ng sinasabi niya ay may sense, isa sa mga hinahangaan kong ugali niya.

"Kikilos tayo bukas." Pumunta siya sa may lamesa at may nilagay doon na papel. Nagsilapitan naman kami para makita iyon.

'Hirap ng walang powerpoint presentation. Hehe.'

"First thing in the morning tomorrow, pupunta tayo ng hardware para kumuha ng bagong mga pang bakod at iba pang materyales."

Seryoso kaming nakatingin sa kaniya.

"Second, we need foods and other personal stuffs. We'll go to the mall and get essentials there." Tinuro niya naman ang mapa.

"From hardware, 10 mins going to the nearest mall."

"Lastly, we'll drop at the hospital." Tumuro ulit siya sa mapa.

"15 mins. Mall to hospital. Any questions?" Umayos kami ng upo sa mga box dito.

Binulsa naman niya ulit ang papel.

"Siguro Elin dapat na din nating itrain ang ilang mga kayang lumaban at mag bantay dito sa base kung sakali." Sabi ng isang sundalo dito.

Living Dead: The InfectedWhere stories live. Discover now