[3] Apocalypse

28 2 0
                                    

[3] Apocalypse

[Kenneth's PoV]

Sunod sunod ang pagkalampag sa pintuan kaya kinuha ko agad ang kutsilyo sa kusina.

"SINO 'YAN?" Sigaw ko habang nakahawak na sa door knob.

"It's me Thylane. Damn."

Nang malaman kong si Ate 'yun ay kaagad ko itong pinihit pabukas. Bigla naman niya akong dinamba ng yakap.

"Sobrang nag alala ako sa'yo." Niyakap ko na lang siya pabalik para mawala ang takot at kaba niya.

"Nasaan sina kuya Haru?" Tanong ko sa kanya habang busy siya sa paglagay ng iba naming gamit sa bag.

"They're at the basement. Come on Kenneth, let's get out of here."

Palabas na kami ng unit ng bigla kaming makarinig ng mga putok ng baril at sigaw ng mga tao.

"Shit!!" Bigla niya akong hinila papunta sa elevator.

"Where are we going Ate?"

"I don't know. Basta!" Pinindot naman niya ang basement button pero bago pa ito sumara ay biglang may humarang na kamay.

"Ke-kenneth." Ramdam ko ang nginig ng katawan ng aking Ate ng pareho naming makita ang isang infected na papalapit ng papalapit sa'min. Hindi ko lang pinapahalata pero sobra na din ang takot ko.

Napapanood ko lang sila kanina sa balita pero ngayon ay tila naestatwa ako ng makakita ng isa.

"Stay behind me." Mahigpit ang kapit niya sa kamay ko, susugod na ang infected sa'kin pero hinarang ng ate ko ang sarili niya at ...
























'Bang'

Minulat ko ang mata ko at nakita ko na lang na nakahandusay na sa sahig ang isang infected.

Dahan dahan kaming tumingin ni Ate at nakita namin ang isang pulis na may hawak na baril.

"Ayos lang ba kayo miss?" Tuluyan ng lumapit sa'min ang officer.

[Thylane's PoV]

Nanghina ang mga tuhod ko. Buti na lang at hawak ako ni Kenneth.

"Thank you."

Natawa naman ang police officer na kasama namin ngayon sa elevator.

'Seriously?'

"Ayos ka na ba?" Tumingin ulit siya sa'kin.

"Yeah. First time ko kasi na maka encounter ng infected kaya medyo nashock pa ako." Paliwanag ko sa kanya. Napapikit ako ng maaalala ang naging reaction ko kanina.

'Stupid Thylane. You shouldn't freak out.'

"Ganyan din naman ako ng makakita ng infected. Hindi lang isa pero maraming infected na pasyente sa hospital."

Tumango tango na lang ako.

"I'm Thylane by the way and he's my brother Kenneth."

I extend my hand to him. "I'm Riyu." Inabot niya naman ito at nakipag shake hands sa'kin.

"Bakit ka pala andito? I mean, may unit ka ba dito sa condo na 'to?"

Nakita ko ang pag iba ng expression ng mukha niya.

"Hindi ako ..." Ngumiti siya ng mapakla.

"... 'yung kapatid ko."

Natulala naman ako pagkatapos nun. Ayoko ng magtanong kasi mukhang hindi maganda ang nangyari sa kapatid niya.

Living Dead: The InfectedWhere stories live. Discover now