Prologue:

72 2 0
                                    

[Thylane's PoV]

Nanginginig ang mga kamay ko habang hinahanap ang pangalan ng aking kapatid sa contact list ng cellphone ko.

"Calm down." Sabi ng isang pamilyar na boses sa'king likuran kaya hinarap ko siya.

"How?"

Pigil na pigil na ang luha ko. Ramdam ko na rin ang pagkibot ng aking labi.

"HOW CAN I CALM DOWN?!!!" Pasigaw na tanong ko sa kanya.

Tuluyan ng tumulo na ang aking mga luha.

Hindi siya nakasagot pero nakatingin pa rin siya sa'kin.

'How to calm down?'

Ramdam ko rin ang tensyon, nerbyos at pag-aalala ng iba pa naming kasama dito.

Katulad ko ay busy rin sila sa pag contact ng kanilang mga kapamilya.

Pinunasan ko ang aking luha at tumingin sa ulit sa aking laptop. Nakita ko na naman ang mga nagkalat na videos sa internet ng infecteds na nagkakagulo sa labas.

'Ang kapatid ko.'

Nasa company outing ako ngayon kaya malayo ako sa kanya, hanggang sa kaninang tanghali ay nakatanggap kami ng balita patungkol sa mga nilalang na ito.

'Sana ay hindi na lang ako sumama.'

Nagsisisi ako kung bakit pa ako tumuloy dito sa team building na 'to.

"Prepare everyone! We're leaving."

Pagkarinig na pagkarinig ko noon ay agad kong pinatay ang aking laptop at umakyat sa kwarto at hinanda ang aking mga gamit.

'Wait for me, I'm coming for you.'

Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Babala: Ang kwentong ito ay kathang-isip lamang at hindi hango sa tunay na buhay o karanasan. Anumang pagkakatulad o pagkakahawig sa pangalan ng mga tauhan, buhay man o patay, karakter, lugar, at mga pangyayari sa kwentong ito ay hindi sinasadya at nagkataon lamang. Walang bahagi ng akdang ito ang maaaring sipiin, ilathala, at gamitin ninuman sa anumang kaparaanan o dahilan nang walang pahintulot ng may-akda.

©️Vashti Zafyre

August 5, 2020

Living Dead: The InfectedWhere stories live. Discover now