[1] 24 Hours

49 3 0
                                    

[1] 24 Hours

24 hours before apocalypse

(4:00 pm)

[Thylane's PoV]

Kasalukuyan akong nagdadrive papunta sa location ng aming team building dito sa Rizal. Napag desisyunan naming dalhin na lang ang kanya kanyang sasakyan.

"Sis mars, pahinto naman sa susunod na gasulinahan. Puputok na talaga pantog ko."

Kasabay ko ngayon ang dalawa kong katrabaho, at syempre ginawa nila akong driver.

"Ayan oh gasulinahan na, sandali at ipapark ko lang sa gilid."

Pagkapark na pagkapark ko ay dali dali siyang lumabas. Tinignan ko naman ang katabi ko dito na mukhang mahimbing ang tulog.

"Pst hoy." Kinalabit kalabit ko pa siya.

'Tulog mantika.'

"Oy gising!!" Inalog alog ko na ang braso niya.

"Oh?"

"Hindi ka ba naiihi?" Bigla naman niyang dinilat ang mata niya.

"Where are we?" Tanong niya habang umaayos ng upo. "Gasoline station." Kumuha naman ako ng bubble gum sa bag at sinubo iyon.

"Nasaan si Angelo?"

'Daming tanong tss.'

"It's Angel hahaha lagot ka dun kapag nalaman niyang tinawag mo siyang Angelo."

Umirap naman ito. "As if I care."

"Grabe! Buti na lang at umabot ako muntik ko ng maihian 'tong kotse mo sis mars."

Tumingin naman ako kay Angel na kakapasok lang dito sa loob.

"Subukan mo lang papapalitan ko sa'yo ng buo 'tong kotse ko."

Sinimulan ko ng ulit paandarin ang sasakyan.

"Ito naman hindi mabiro, oo nga pala bakit mo hindi sinama 'yung pogi mong kapatid?"

Tinignan ko siya sa rear view mirror. "Mas gusto niya pa raw magkulong sa bahay kesa makasama ka. Hahaha."

Sumama naman ang mukha niya. "Ampogi sana ng kapatid mo saksakan lang ng sungit parang 'yang katabi mo at namana niya ang pagiging highblood sa'yo."

Natawa naman ako pero itong katabi ko dito ay parang walang pakealam.

"Oh m g! Look oh, ang daming pigs na nagsiswimming."

Binagalan ko ang pagpapatakbo ng sasakyan at tumingin sa ilog. Patawid na kami ngayon sa isang tulay.

'Bakit ang daming patay na baboy ngayon?' Kunot noong tanong sa sarili ko.

"Ihinto mo sa tabi sis mars, ayun sina boss oh nakikichismis."

Tumingin naman ako sa unahan at nakita ko nga ang boss ko at ang iba pa naming katrabaho. Ipanarada ko ang kotse ko kahilera ng sasakyan nila.

Pagkalabas naming tatlo ay sabay sabay kaming napatakip sa aming ilong dahil sa baho ng amoy.

"Oh Thylane, halos magkakasunod lang pala tayo."

"Oo boss, ano daw pong nangyari dito?"

"Wala rin akong idea, bumaba lang din kami para alamin kung bakit madaming naglulutangan na baboy."

"Hello kuya? Anyare daw here?" Lahat kami ay lumingon kay Ella, isa sa mga katrabaho ko ng tanungin niya ang isang lalaki.

"Ay umabot na po kasi dito ang sakit nung mga baboy, ang bali-balita po ay lahat ng baboy na nakalutang ay nag positive po."

Living Dead: The InfectedWhere stories live. Discover now