[4] Phase 2

25 2 0
                                    

[4] Phase 2

[Zendra's PoV]

Ang laki ng ngiting namutawi sa aking mukha ng makita ko ang pagsabog. Nakita ko agad sa malaking monitor ang pag apula at pag responde ng mga residente at bumbero.

'They all look stupid.'

Umiling iling ako sa isipin kong iyon nang hindi tinatanggal ang ngiti sa'king labi.

Kinuha ko naman ang cellphone ko ng mag ring iyon.

"Sucessful boss." Ramdam ko ang pag ngisi nito sa kabilang linya.

"12 hours. Sa loob ng labing dalawang oras ay mauubos ang halos lahat ng populasyon sa bansang ito."

Pagkatapos ng usapan namin ay dumako ulit ang tingin ko sa malaking monitor at kitang kita ko ang pag usbong ng itim na usok at pagkalat nito.

Sa loob ng 12 hours ay kakalat lang ito sa buong bansa. Hindi lang isa ang pinasabog namin kaya madali nitong makakalat ang usok.

Dinial ko naman ang kanyang number.

"What do you need?" Bungad niya sa'kin.

"You'll come back to me anytime now."

"You wish." Sabay baba niya ng linya.

Hindi pa rin mawala ang ngiti sa'king labi lalo na't nakapa ko sa daliri ang isang singsing.

'Ang engagement ring namin.'

[Riyu's PoV]

Malaki ang base camp na aming napuntahan. Isa itong military base, may gusali na tinatawag nilang headquarters, may mga tents, may bakod din na madalas makita sa mga military movies at may mga barbwire sa ibabaw nito.

Mayroon din silang medicube, isa itong tent na at dito dinadala ng mga injured at may sakit.

"Naichika sa'kin nang isa na 'yun ..."

Sabi ni Angel habang kumakain ng chips, nginuso niya din ang isang sundalo.

"Wala naman daw silang ganyan na medicube, sadyang may nangyari lang na ganitong sitwasyon kaya nagpatayo sila agad. Kakaloka!"

Napatingin naman ako kay Kenneth. Matagal ko ng gustong magkaroon ng kapatid na lalaki kaya malapit ang loob ko dito.

"Anong ginagawa mo?"

Tumabi naman siya sa'kin.

"Call of Duty, nagpapractice na."

Natawa naman ako sa sinabi niya at pinagpatuloy ang paglalaro.

"Hey guys. Tapos na naming ayusin 'yung mga gamit sa sasakyan."

Sabay na umupo si Haru at Thylane at kumuha ng chips.

Paroon at parito ang mga sundalong bantay hawak ang kanilang mga armas. Binabaril nila ang mga iilang infected na pupunta at lumalapit sa bakod.

"Napansin kong marami din ang kagaya natin na dito pumunta."

Tumingin naman ako sa paligid, halos maukupa ng ilang survivors ang tent ng mga sundalo dito.

Living Dead: The InfectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon