CAPITULUM 28

80 7 0
                                    

28 | Ruby

BLANKA ALMIRA'S POINT OF VIEW

Inabutan na ako ng madaling araw.

Nakasalampak pa rin ako sa upuan ng study table ko, nakasuot ng salamin, at kaharap ang kasalukuyan kong pinag-aaralan na libro tungkol sa abogasya. Samantala, bigay na bigay naman sa pagkanta at pag-headbang si Kendall habang naka-headphones, nagbabasa ng libro, at nakahiga sa kama ko.

Seriously, look at that manners. Paano ko ba naging kaibigan ito?

Hindi ko alam kung paanong napagsasabay niya ang pagkikinig ng music habang nagbabasa. Frankly, she has nice vocals. Kung hindi lang talaga ako nagbabasa, gugustuhin ko sanang makinig na lang sa boses niya. Pero dahil nagbabasa ako...

Saglit akong pumikit nang mariin at iritadong hinubad ang salamin ko. Nilingon ko siya. "Kendall, can you please tone down your—"

Natabunan lang ang boses ko dahil bigla siyang bumirit habang pumipikit pa.

Napahilot na lang ako ng sentido at mas hinabaan ang pasensya ko. Ganito naman talaga silang dalawa ni Roze, nakakaubos ng pasensya!

Seconds after, I turned my swivel chair to her. I grabbed my pen and I hit her on her forehead. Yes, I hit her right after I told myself to be more patient.

"Aww!" reklamo niya at sinamaan ako ng tingin, nakanguso.

Nagtaas ako ng kilay. Mabilis na binato niya ang pen pabalik. "What?!" Binaba niya ang headphone sa leeg niya.

"Kung mag-iingay ka lang dito, doon ka na sa kwarto mo!" iritable kong sinabi.

Inirapan niya ako bago niya mataray na binalik ang paningin sa binabasang libro na parang walang nangyari. At para bang nang-aasar dahil kumakanta pa rin siya, pero ngayon naman ay sinasadya niyang hinaan na parang bulong na lang ng bubuyog...habang wala sa tono. Pinapangit pa niya ang boses niya at nang napatingin sa'kin at napansing hindi na talaga ako natutuwa, ngumisi lang siya bago tuluyang nanahimik at tumalikod na sa'kin.

Napabuntong-hininga na lang ako. As usual, Kendall will always be Kendall. Kapag talaga nariyan siya sa paligid, napakaraming eksena. Napakakulit!

Saglit pang nagsalubong ang mga kilay ko dahil napansin kong naka-bra lang pala siya at napaka-ikli pa ng suot na shorts. Kahit kailan talaga, napakahubadera.

Pinilit ko na lang na itutok ang sarili sa pagbabasa habang inaalala ang napag-usapan namin ni Mamá...

"Ano 'tong narinig ko?!" sigaw niya sa'kin nang tumawag siya kagabi.

Hindi ako umimik at hinintay na lang ang susunod niyang sasabihin.

Hindi ko pa naibabalita sa kaniya o kay Tito Romnik ang nangyari kay Roze. Pati ang pinadalang mga alagad ng De Marchi sa Terra Reale ay hindi ko pa nababanggit.

Pinagbawalan ko rin si Kendall at ang buong Dark88 na magbalita sa mag-asawang La Spada dahil ayokong mag-alala sila nang husto. Hindi sa ayaw kong malaman nila, pero natatakot lang ako na mapagsabihang pabayang kapatid ako ni Roze. Siguro selfish akong pakinggan, pero ito ang nakikita kong mas tamang gawin sa ngayon.

Kabisado ko na sila kumilos. They will only add fuel on the fire...

As much as I wanted to keep Roze safe, may mga pagkakataong hindi naman namin siya palaging kasama ni Kendall. Hindi nababantayan nang maayos dahil una sa lahat, malaki na siya. Ayon naman na sa kaniya, kaya na niyang ipagtanggol ang sarili niya. Kaya hindi kailangan na minu-minuto, nandoon kami sa tabi niya!

May boyfriend na siya na madalas niyang kasama, at may kaniya-kaniyang agenda kami sa school...kaya hindi ko rin magagawang bantayan siya palagi. Ano pa kung minu-minuto?

At sa totoo lang, hindi naman ako nabuhay sa mundong ito para bantayan lang ang kapatid ko. May buhay din ako. Masama bang isipin ang sa'kin? Selfish na ba ako sa lagay na 'to?

Gustuhin ko man na matingnan si Roze tuwing school hours, hindi ko naman magawa dahil nasa ibang campus ako. Pero ginagawa ko naman ang best ko para maging okay siya. Sina Calixtaa, Ivanna, at Scarlett ang inaasahan kong magbantay sa kaniya at silang tatlo rin ang magbababalita sa'kin tungkol sa lagay ni Roze, oras-oras. Isn't that enough?

FLAMES OF ROZE | Season 1 | TRS#1 [COMPLETED]Where stories live. Discover now