CAPITULUM 75

38 1 0
                                    

75 | Falls

XIAFEZIN'S POINT OF VIEW

It was hard to sleep that night.

Kung ano man ang naudlot na ginagawa namin ni Darcee ay hindi na natuloy noong gabing iyon. Lumabas siya saglit ng condo ko nang walang paalam.

My mind was in total anxiety that time. Hindi ako mapakali habang hinihintay ang pagbabalik niya. Akala ko iiwanan na niya ako, ngunit napaatras ako nang nakitang pumasok na siya sa condo.

Handa na sana akong harangan siya. Akala ko kukunin na niya ang ilang gamit niya, gaya noong ginawa ni Zayden noong iniwan niya ako sa dorm. Ngunit naestatwa ako nang umupo na siya para kumain. Kung hindi pa niya ako titingnan na nakatayo sa pinto ay hindi ako unti-unting makakalapit sa kaniya para saluhan na siya sa pag kain.

It was a silent eat. Hanggang sa matapos kami sa pagkain ay tahimik siya, ako rin. Ramdam ko ang panlalamig nang kaniyang tingin at gustuhin ko man magsalita tungkol sa nangyari ay hindi ko magawa, sa takot kong pag-usapan ang iniiwasang kapatid niya.

Sa takot kong harapin kung sakaling ginalit ko nga siya.

He volunteered to wash the dishes after that. Iyon ang tangi naming pag-uusap noong sandaling iyon. His voice was cold and distant. I'm not used to it. Sa takot ko sa kaniya ay iniwan ko siya roon nang mag-isa.

He kissed me again before he left my condo. Walang tamis ang halik na iyon. O siguro ganoon lang talaga ang pakiramdam ko dahil medyo guilty ako.

Sighing, I only bowed my head, disappointed to myself.

Hanggang sa matutulog na ay inis na inis ako sa pagsusuot ni Krystal sa isipan ko. Si Darcee ang iniisip ko at bigla na lang siyang pumasok. Hindi ko rin alam kung bakit. I know shouldn't be thinking about him. I better should think of how to fix this little damage in my relationship with Darcee. Hindi ko na dapat iniisip pa si Krystal. Kung ayaw kong madurog muli, kailangan kong tantanan ang kahibangan na ito.

I could see the slight fear in Darcee's eyes as he looked at me after Krystal had caught us. Tapos nag-iwas ako ng tingin at hindi nakapagsalita. I shouldn't let him feel like that.

Right?

Dapat kong linawin sa kaniya na wala na akong interes sa kahit na kanino kundi...siya lang. Wala akong interes, sa kaniya lang. Kaniya lamang.

Ang balak ko ay kausapin na lang siya bukas. Saktong kinabukasan naman, nag-message si Shantal sa'kin. Niyayaya kaming sumama sa rancho nila pagkatapos nilang ihatid sa airport sina Zayden at Cruzita. Mamamasyal daw kami kung saan sila naglilibang ng mga Valerious. Isasama ang buong grupo, siyempre.

Ipagpapabukas na sana ang alis nina Zayden patungong Pilipinas dahil gusto niya raw akong kausapin. Pero dahil sa hindi naman ako nagpahatid ng mensahe at nagtakda ng araw kung kailan ko siya maaaring harapin ay agad na ang alis nila. Personal na titingnan na rin ni Zayden doon ang lagay ng mga La Spada.

It's okay, though. We can talk some other time.

Pumasok na ako sa loob ng sasakyan at inayos ang seatbelts. Papunta na kami sa Camilla. Isang probinsiya rito sa Terra Reale kung nasaan ang rancho del valle. Ayon kay Darcee, six hours ang biyahe patungo roon. Pero kung walang traffic ngayon, four hours trip lang.

I'm wearing my usual outfit when going out for training since we're going at ranch. A tight black pants, a black tank top with a deep v neck, paired with a bicker jacket and long black boots. Ang buhok ko ay nasa ganoon pa ring ayos. Kulot-kulot ang dulo.

Nilingon ko si Darcee nang nakapasok na siya sa driver's seat. He's wearing the same style when he attended my birthday. A button-down white shirt, black pants, and a black cowboy boots.

FLAMES OF ROZE | Season 1 | TRS#1 [COMPLETED]Where stories live. Discover now