CHAPTER 15: I'LL BE YOUR HERO

3.9K 106 13
                                    

CHAPTER 15: I'LL BE YOUR HERO

GLAZY POV

"Glazy.."

Lumingon ako at nakita ko sa labas sina Kelvin at Thea. Masasabi ko na pareho sila ng aura. Parang galit sa nadatnan nila.

"I think we're done. You're actually a good tour guide." I looked at Cross. He was giving me an encouraging smile.

Lilingunin ko na ulit sana si Kelvin nang biglang hawakan ni Cross ang magkabila kong pisngi.

Nagulat na lang ako nang dampian niya ng halik ang noo ko.

That moment.. akala ko susugod na si Kelvin. Akala ko.. magagalit siya ng todo.

Pero hindi.

Nagpahila na lang ako kay Cross papunta sa labas ng Suite.

And there I saw the reason kung bakit hindi siya nagreact.

"Oh! Mr. Cross Liondelle and his beautiful fiancee! What a surprise that we all meet in this unexpected place. Honey, they are the couple I was telling you a while ago. Soon enough they will build a wonderful family just like the Vergara's." If I'm not wrong ito yung bwiset na Mr. Upton! Dahil sa kanya napalitan ang role ko sa buhay ni Great Kelvin Josh Vergara!

"What a gorgeous lady!" Nabigla ako sa pakikipag-beso nung kasamang matandang babae ni Mr. Upton. I guess asawa niya. She looked so extravagant. Yung tipo na suot na niya yata lahat ng kayamanan ng buong mundo. Tinalo si Imelda Marcos sa dami ng burloloy sa katawan.

"Good to see you here Mr. Upton." Nakipagkamay naman si Cross.

"So.. what are you doing here Mr. Cross Liondelle? Am I just wrong that this is a .. Vergara Hotel?" Parang nag-aalinlangan pang tanong ni Mr. Upton.

Nga naman! Kahit talaga sino magtataka kung bakit nandito si Cross sa teritoryo ng mga Vergara. Lalo na kung iisipin mo na may sarili din naman silang Hotel.

"No. You're right. We're just finding a perfect place for our honeymoon, right WIFEY?" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Cross. Pero wala na akong nagawa kundi ang tumango dahil sa madiin na paghawak niya sa beywang ko. Ni hindi tuloy ako makatingin kay Kelvin.

"Oh! Honeymoon! It's good that you're already preparing in advance but.. I still don't get it. You have your own hotel right?"

"Yes that's true. But we're searching for a new atmosphere.. for a change. And our bestman here was so KIND enough to offer his hotel for us." B-best man?!

Yung mga kilay ni Kelvin sobrang magkasalubong na! His fist nagsisimula na din na manginig.

Not a good sign. Ano ba kasing pinagsasasabi nitong si Cross? Hindi ba nasosobrahan na ang acting niya?

Sinubukan kong makawala sa pagkakayakap niya sa beywang ko pero mukhang ayaw niya akong bitiwan.

"Wow! So Mr. Kelvin Josh Vergara is your Best man for your upcoming wedding?" Mr. Upton

"How I wish we could attend to your wedding. When is it anyway?" Mrs. Upton

"Ahm.. Mr and Mrs. Upton, do you want to join us for lunch? We already made a reservation." Kailangan talagang sumingit? Ugh! Pero sige okay na din na pumapel kang Thea ka. Kung hindi kase matitigil agad itong usapan na ito baka kung ano pang masabi nitong best actor na kasama ko.

Ni hindi ko alam kung bakit niya ako tinutulungan para hindi magmukhang tanga.

Pero ganun pa man.. salamat na din Cross.

Pumayag ang mag-asawang Upton na kumain kasama sina Thea at Kelvin. Unfortunately, ininsist nila na sumabay na din kami ni Cross. Kaya ngayon heto kami sa isang awkward table.

Triple Danger: Treacherous Couple! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon