CHAPTER 34: HEART OVER MIND

1.4K 42 26
                                    

CHAPTER 34: HEART OVER MIND

'Mama! Papa!' Gusto kong iligtas sina Mama at Papa, pero hindi ko magawa dahil may humihigit sa akin palayo sa kanila! Palayo sa nasusunog na kotse.

Hanggang sa hindi ko na sila makita.

"Ma'm Glazy, nandito na po tayo."

I opened my eyes at naramdaman kong may tumutulo na naman sa pisngi ko. Ngayon alam ko na ang ibig sabihin ng panaginip na yun. Panaginip na laging gumagambala sa akin dahil ginigising pala ako nito sa katotohanan.

"Gun--" Wala na si Gun sa tabi ko!

"Ma'm, nauna na pong pumasok sa loob si Gun." I looked at him. Siya yung lalaking sumundo sa amin ng anak ko kanina. Hawak hawak niya ang pinto ng kotse at naghihintay na bumaba ako dito.

Nagpakawala muna ako ng isang malalim na hininga bago ako bumaba at tumapak sa teritoryo ng mga Vergara.

Pagpasok ko sa loob ay sinalubong ako ng yakap ng Mommy ni Kelvin.

"I'm glad you came hija." Bulong niya sa akin.

Puno ng pag aalala ang mga mata niya.

"We can't reach Kelvin. I don't know kung nasaan na ang batang yun. Hindi ka ba niya pinupuntahan Glazy?" Halata sa boses ni Mom Vira na sobra na siyang nag aalala kay Kelvin. Should I say the truth na nagsagutan na naman kami kagabi?

"Vira, I'm sure our son is fine. Stop worrying, okay?" Nasa likuran ni Mom Vira ang asawa niya at karga nito si Gun.

Hinawakan ako ni Mom Vira sa kanan kong balikat. Pinisil niya ito ng bahagya at napansin ko na gusto niya sana akong bigyan ng isang ngiti, ngunit hindi niya naman magawa.

"Hinihintay ka na ni Papa. You should go in."

Without a word, dumeretso na ako sa kwarto ng Lolo ni Kelvin. Hindi ito ang unang pagkakataon na makakaharap ko ang taong nagpapatay sa mga magulang ko, pero parang bago ang lahat. Sa palagay ko nga ay nadoble ang kaba sa dibdib ko ngayon. Pakiramdam ko ay nagwawala na ang puso ko at anytime ay pwede itong sumabog.

Naka-oxygen siya at kahit sa tingin lamang ay alam kong hindi na niya kaya pang kumilos. Dapat ba akong matuwa dahil ang taong may kagagawan ng pagkamatay nina Mommy at Daddy ay ganito na kahina at kalala ang kalagayan ngayon? I felt an unexplainable pain in my chest. I can't blame him at this state.

Lumapit ako sa kanya. He looked at me with those tired eyes. Yun bang parang gustong gusto nang pumikit at magpahinga, pero pinipilit pa rin niyang magmulat.

Lumapit ang nurse sa kanya at tinanggal ang oxygen, tsaka ito lumabas ng kwarto. Ngayon ay kami na lang dalawa ang naiwan sa loob.

"Hija.." Mahina at halata sa boses niya ang pagod at hirap.

"Alam ko na po ang sasabihin niyo. Aamin kayo sa kasalanan na nagawa niyo sa akin at sa mga magulang ko. Tama ho ba? Alam ko na ho ang lahat. At kung hihingi kayo ng tawad, pasensya na dahil hindi ko yun maibibigay ngayon." I wiped my tears. Ni hindi ako makatingin sa kanya ng deretso.

"Nagkamali.. ako. Hindi ko.. ginusto ang nangyari.. sa pamilya mo.. hija. Wag na wag .. mo akong.. patatawarin."

"Ang daya daya nyo naman eh! Dapat hindi kayo nakahiga dyan! Paano ko kayo magagawang sisihin?! Sinong magiging responsable sa sakit na nararamdaman ko ngayon?! Ganun na lang ho ba yun? Dapat pala namatay na din ako, para hindi ko na mararamdaman ang sakit na 'to ngayon."

"Hija.. Kasalanan ko.. lahat. Pero sana.. mamuhay ka.. na walang.. galit.. sa mundo. Lalo na.. sa mga taong.. nagmamahal.. sayo. Mahal.. na mahal ka.. ng apo ko. Wala siyang.. ibang inisip.. kung hindi ang.. kapakanan mo. Hija.. patawarin mo.. ang apo ko. Wala.. siyang.. kasalanan. Sa akin.. ka lang magalit. Kamuhian.. mo ako."

Triple Danger: Treacherous Couple! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon