CHAPTER 31: TELL ME

1.3K 47 11
                                    

CHAPTER 31: TELL ME

GLAZY POV

Huminga muna ako ng malalim bago ko tuluyang tinungo ang kinauupuan ni Thea.

She looked at me from head to toe na naman and of course an evil smirk formed in her face. Hindi naman sa sineryoso ko ang pangungutya niya sa akin kanina, pero.. okay I hate to admit it pero parang ganoon na nga. I'm wearing a black dress na tinernuhan ko ng red high heels. Nagpagupit din ako ng buhok. And I'm wearing a light make up.

Sa tingin ko naman ay hindi nasayang ang ginawa kong effort sa sarili ko, dahil ngayong kaharap ko na ang babaeng ipinagpalit sa akin ng asawa ko, nawala na yung feeling na nakakapanliit. Now I can look at her with my eyebrows up. But the feelings of disgust, anger, hatred at kung ano pang term na pwedeng ikonekta sa sama ng loob ay nananatili pa rin somewhere inside me.

I sat at the chair in front of her. Kung ano mang sabihin ng babaeng ito ngayon sa harapan ko, I will make sure na ako ang huling magsasalita. Ako ang unang aalis. O kung mauna man siya ay patakbo siyang lalabas ng restaurant na ito habang basang basa ang kinulot niyang buhok at ang suot niyang mini dress na kasing pula ng labi niya. Ano bang mayroon sa red lipstick? Nakakadagdag ego ba yan? O nakakadagdag sa kapal ng mukha?

"Ano bang sasabihin mo? Bilisan mo, dahil mahal ang oras ko." I said that staright to her face.

"Don't worry, cause I'm not the type of person na nagpapaligoy-ligoy pa." Inisod niya ang isang brown envelope na nasa table papunta sa direksyon ko.

"Ano yan?"

"Hiwalayan mo na ng tuluyan si Kelvin. Make sure na matutuloy ang divorce niyo--"

"Ugh! Katulad lang ng inaasahan ko. Pinapunta mo ako dito para lang sabihin yan?! Ang kapal pala talaga ng mukha mo. Hindi mo na sana sinayang ang oras ko, dahil yun naman talaga ang gagawin ko." Nanginginig na naman sa galit ang buo kong katawan. Kailangan kong huminahon at pigilan ang nangangati kong kamay na gustong kunin ang goblet na may lamang malamig na tubig at isaboy ito sa dimonyong kaharap ko ngayon.

She laughed. Anong karapatan niyang tumawa sa harapan ko?!

"Glazy, dear.. you know what? I'm having fun watching you."

Hindi na ako nakatiis. Halos magtaob na ang mga nakapatong sa lamesa nang dahil sa pagtayo ko. Nakakuyom ang mga palad ko at anytime alam kong hindi na ako makakapagpigil.

"Before you pour that water in my face, let me tell you something. Hindi ako ang kalaban mo, Glazy."

Ano bang sinasabi nitong babaeng ito?!

"30 Billion. 30 Billion ang halaga ng nasa loob ng envelope na yan and it's under your name."

"Anong sinabi mo?! At ngayon binabayaran mo pa ako--"

"Why am I going to waste such amount of money para lang bayaran ka? I'm not dumb, unlike you."

"Bakit mo sa akin binibigay yan?"

"That money is not from me. Napag utusan lang ako and I don't know why I'm doing this!" Tumayo na din siya at aktong aalis na pero humarang ako sa harapan niya.

"Galing ba yun kay Kelvin? Sabihin mo! Dahil kung galing nga sa kanya, hindi ko yan matatanggap!"

Inirapan niya lang ako at nilagpasan.

"Thea!" Hinabol ko siya. Hindi ko alam kung bakit ko ginagawa ito. Hinawakan ko ang braso niya that made her stop, tinanggal niya ang kamay ko tsaka niya ako hinarap muli habang magkasalubong na ang kilay.

"Do you really wanna know the truth?" I don't know kung bakit yung tanong niyang yun ay parang warning ang dating sa akin.

* * *
KELVIN POV

Triple Danger: Treacherous Couple! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon