CHAPTER 13: ALL SHE KNOWS

3.9K 100 34
                                    

CHAPTER 13: ALL SHE KNOWS



GLAZY POV



*FLASH BACK*

"Nako ma'm Glazy! Hindi pa ho kayo pwedeng tumayo! Hindi niyo pa ho kaya!" Pilit niya akong pinapabalik sa kama pero nagpumilit pa rin ako.



Buong lakas akong tumayo ng mag-isa. Inaalalayan niya ako sa isa kong braso na para bang akala niya talaga na hindi ko kayang tumayo. Ang totoo niyan kaya ko naman talaga. Medyo nahihilo nga ako pero sapat ang lakas ng katawan ko para tumayo gamit ang dalawa kong paa.



"Kaya ko. Magc-cr lang ako." Pi-nat ko ng bahagya ang kamay niyang nakahawak sa braso ko. Naintindihan naman niya yon at dahan-dahan akong binitiwan.



Pumasok na ako sa banyo tsaka ko ginawa ang pakay ko. Naghuhugas ako ng kamay nang marinig ko ang boses ng maid na mukhang nasa tapat lang ng pinto.



"Ma'm Glazy? Bibili lang po ako ng hapunan niyo. Babalik din po ako agad." Halata sa boses nya na nag-aalinlangan siyang magpaalam sa akin.



I cleared my throat bago sumagot.



"Okay lang. Mag-ingat ka."



"Sige po Ma'm Glazy. Alis na po ako." Sinundan ng tunog ng pagsara ng pinto.



Sandali kong pinagmasdan ang sarili ko sa salamin na nasa harapan ko ngayon.

Triple Danger: Treacherous Couple! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon