CHAPTER 11: FRUSTRATIONS

3.4K 94 18
                                    

CHAPTER 11: FRUSTRATIONS

Lalapitan ko na sana sila nang bigla akong pigilan ni Niegel.

Hawak hawak nya ang kamay ko at ang mga mata nya.. parang sinasabi na h'wag akong lumapit.

"Niegel--" naputol ang sasabihin ko dahil sa biglang nagsalita.

"Mr. Niegel Liondelle!" Isang may edad na lalaki ang biglang sumulpot sa harapan namin ni Niegel.

Sya yung..

"Mr. Basco. The greatest artist I have ever known in my life! It's a pleasure to meet you here." Dalawang kamay ang ginamit ni Niegel pangshake hands kay Mr. Basco.

I guess sobrang idol nga ni Niegel itong artist na to.

"No! The pleasure is mine. Where's your brother? Its been almost a year na hindi ko sya nakita. Kamusta na ang company?"

"The company is doing fine. And Cross? As usual he's playing the role of a  strict monster in the office."

Baliw talaga tong si Niegel. Ginawa pang monster ang kuya nya.

"That's good! And.. whose this gorgeous lady beside you?" Yung tingin nya nakakaloko. Akala nya siguro may something sa amin ni Niegel.

"This is.. Glazy Jean Vergara. The wife of the current CEO of Vergara Corporation." Pagpapakilala sa akin ni Niegel. Akalain ko bang babanggitin pa nya na asawa ako ni Kelvin.

I genuinely smiled at Mr. Basco.

At first nakita kong nagulat sya. But he immediately changed his reaction. Naging parang delightful ang hitsura nya.

"Glazy Jean Vergara.. finally I met you." This time sya naman ang gumamit ng dalawang kamay nya pangshake hands sa akin.

Weird.. pero nakakatuwa din kase kung iisipin isa syang world renowned artist then ganito ang reaction nya nang makilala ako. Its like sino ba ako para madeserve to?

Siguro dahil nakakabit na sa pangalan ko ang isang brand name which is VERGARA.

Teka! Si Kelvin nga pala!

I looked back to see kung nandoon pa rin sya.

Pero unfortunately..  wala na.

Great! Just great! Natakasan nila ako! Ano nang gagawin ko?

"Right Glazy?" I was back to earth nang hawakan ako ni Niegel sa braso.

"Ha?" Clueless kong tanong. Kinakausap pala nya ako.

Parang nagtaka tuloy si Niegel. Nalaman nyang hindi pala ako nakikinig or should I say nakalutang na naman ang utak ko.

"Sorry--" but he cuts me off.

"It's okay.. " then ayun kinausap na nya ulit si Mr. Basco. Since art ang topic nila hindi ako makarelate.

Iginala ko na lang ulit ang paningin ko. Baka sakaling makita ko ulit si Kelvin.

Pero nabigo ako. Wala na talaga sila.

After a couple of minutes, niyaya na din akong umuwi ni Niegel. Kailangan ko daw magpahinga dahil kakagaling ko nga lang daw sa hospital.

Habang nasa biyahe  kami, hindi ko naiwasang hindi magtanong.

"Niegel, bakit mo ako pinigilan kanina?" Dapat sana nasabunutan ko na yung malanding babae na yun!

"I'm sorry Glazy. But I thought, hindi doon ang tamang lugar para magkaharap kayo. Isa pa, nakakahiya kay Mr. Basco if ever na nagkagulo."

"So.. inisip mo na mag-iiskandalo ako?"

Triple Danger: Treacherous Couple! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon