CHAPTER 7: A SONG FOR YOU

3.9K 94 18
                                    

CHAPTER 7: A SONG FOR YOU

Ramdam kong gustong bumawi ngayon ni Kelvin sa akin.

Siya ang nagluto ng breakfast namin tapos kami pa ang naghatid kay Gun sa school. At ngayong papunta na kami sa Global Hotel, hindi pa rin niya binibitiwan ang kamay ko kahit na nagmamaneho siya ng kotse.

Masasabi ko na sanang perfect ang araw na ‘to kaya lang may panira pa rin.

Imbis na valet attendant ang sumalubong sa amin, isang nagmamadaling babae  ang biglang pumulupot sa braso ni Kelvin pagkababang-pagkababa namin sa kotse.

Hello? Hindi ba niya nakikita na magkasama kami ng asawa ko?!

“Ehem!” I faked a cough.

That caught their attention.

“Hey—“ Tatanggalin na ni Kelvin ang kamay ni Thea nang mas kumapit pa ito ng todo.

Grabe! Ang kapal huh!

“Nasa loob si Mr. Upton.” What a magic word! Bwiset talaga!

“What?” Halatang nagulat si Kelvin sa sinabi ni Thea. Ano naman kayang ginagawa ng Mr. Upton na yon dito?! Aisht!

Kelvin gave me the I’m-so-sorry-wifey-look.

At dahil naipaliwanag na niya sa akin kanina ang lahat bago pa kami magpunta dito sa Global Hotel, I managed to smile.

“It’s okay hubby. I’ll see you later.” Then I went inside the hotel.

Honestly there's a part of me na gustong lumingon. Nagkataon lang na nadatnan ko sa may front desk si Mom Vira kaya nagtuloy tuloy na ako.

"Hi Mom." I greeted her.

"It's good to see you hija." Sabay kiss sa cheek.

"Can we talk for a minute?"

"Okay lang po." Then my heart starts pounding fast. Lagi na lang ganito ang nararamdaman ko tuwing kakausapin ako ng seryoso ng Mommy ni Kelvin. Feeling ko kase everytime na may sasabihin sya..

..may kinalaman sa pagsasama namin ng anak niya.

***

NIEGEL POV

"Yes, nasa loob po si Sir Cross."

"Thank you." I genuinely said to my brother's executive secretary na kakalabas lang ng office.

I was about to open the door when I heard a familiar voice of a woman.

"I will not disappoint you Mr. Liondelle."

Because of my curiosity, I opened the door.

Then they both looked at me.

I never thought that he will continue this plan.

Shall I mark this day as the start?

***

GLAZY POV

Akala ko kung ano na.

Yun pala gusto lang magpaliwanag ni Mom Vira sa nangyare sa party kagabi.

Sinabi nya na kinailangan daw gawin ni Kelvin yun para hindi madisappoint si Mr. Upton na present sa event na yon.

Since naumpisahan daw ng HINDI SINASADYA ni Thea ang pagpapanggap at naging effective naman, ipinagpatuloy na nila.

Gusto ko sanang i-suggest na pagkatapos ng deal nila kay Mr. Upton, palitan na agad si Thea. Kaya lang nafeel ko na proud pa si Mom Vira sa ginagawa ng echuserang secretary ni Kelvin. Puro papuri na kase ang narinig ko after nyang magexplain. Kagaya ng magaling daw, super responsable at malaki na daw ang naitulong sa kompanya kahit na bago pa lang.

Triple Danger: Treacherous Couple! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon