CHAPTER 2: I'M HIS WIFE

5.6K 109 14
                                    

CHAPTER 2: I'M HIS WIFE

"Josh? Ha-ha-ha! Ngayon ko lang narinig na may tumawag sayo sa pangalan na yun ah! Hanep!"

"Wifey will you please stop?! Kanina ka pa!"

Eh pano naman kase, ayaw nyang sagutin ni isa sa mga tanong ko! Consequence nya yun! Bahala syang mabingi!

Pumwesto ako sa likuran ni Kelvin. Busy busyhan ang peg ng baluga. May kung ano syang tinatype sa laptop.

"Sige! Hindi na kita kukulitin. Pero sagutin mo tong last question ko. Sino ba talaga yung babaeng yun? Old friend? Ex? Ka M.U. dati?"

Nilingon nya ako with his eye brows colliding. Bakit? Wala ba sa mga sinabi ko?

"Wag mong sabihin na.. first love mo?" Kinabahan tuloy ako bigla.

Paano kung first love nga nya?

Pumikit sya at nagbitiw ng malalim na hininga. Para bang sign na suko na sya.

Pakiramdam ko nasa lalamunan ko na yung puso ko. Ganun kaexagge ang nararamdaman kong kaba.

"First love?" hindi ko alam kung bakit inulit ko pa.

Ibinalik nya ang tingin sa laptop nya at ako? Lumabas na lang ako.

Bwiset ka Kelvin! Bakit ayaw mo pang aminin na first love mo yung babaeng yun?!

Dapat pala di na namin sinundan yung taxi. Pinabayaan ko na lang dapat yung nagkapalit namin na traveling bag.

First love? Huh! Naalala ko tuloy yung kantang first love never dies. Eh kung ako kaya ang pumatay sa kanya?! Waaa nagiging utak kriminal na ako!

Kelvin.. bumalik ba yung feelings mo sa babaeng yun?

Sana hindi. Ayokong may kahati kami ni Gun sa puso mo. At hindi ko yun matatanggap.

Kelvin, sana nagsinungaling ka na lang. Sana itinanggi mo.

Hindi sana ganito ang nararamdaman ko ngayon.

Nakakainis ka talaga!

Lumabas ako ng hotel para magpahangin at makahinga din ng maayos kahit papaano.

Ineexpect ko na susundan at hahanapin niya ako pero halos dalawang oras ang nakalipas mag-isa pa rin ako sa labas ng hotel.

And then I realized, walang patutunguhan ang tampo at selos ko. I should get a grip of myself lalo na sa feelings ko.

Nakalimutan ko yata na ako ang asawa. Silly me! Kailangan ko na yatang maghire ng tagapag-paalala sa akin na ako ang mahal ni Kelvin.

But still hindi ko maitatanggi na somewhere deep in my heart, may lungkot pa rin na nagtatago.

Nadatnan ko pa rin si Kelvin sa harapan ng laptop niya. Busy pa rin siya.

Gusto kong sabihin na ipagpabukas na lang niya ang ginagawa niya at mamasyal na lang muna kami. Hello first time ko dito sa bansang ‘to. Ayokong masayang yung chance.

Pero hindi ko siya nagawang patigilin.

Instead, nahiga na lang ako sa kama habang pinagmamasdan siya.

Hanggang sa unti unti nang bumigat ang mga talukap ng mga mata ko.

***

INGGRID’S POV:   

“Nasaan ka na ba?! Ang sakit na ng paa ko huh! You’re going to wear my heels na talaga!” This feeling VIP is really getting into my nerves! Half hour na akong naka-stand dito and I’m wearing a 6” heels!

Triple Danger: Treacherous Couple! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon