CHAPTER 32: BEHIND CLOSED DOORS

1.4K 41 8
                                    

CHAPTER 32: BEHIND CLOSED DOORS

THIRD PERSON POV

19 years ago...

Nagkalat sa sahig ang mga bubog ng nabasag na wine glass at pati na rin ang bote nito. Napuno ng halimuyak ng mamahaling red wine ang buong silid.

Matamang nakatanaw sa buong siyudad ang Chairman ng Vergara Corporation na tila ba inaangkin ang lahat ng matamaan ng kanyang mga mata. Kagagaling niya lamang sa isang pagpupulong kung saan tinanggihan ng Savilla Corporation ang inalok na merging plan ng kanyang kompanya. Bagkus ay mas pinili ng Presidente ng Savilla Corp. na makipag-ugnayan sa kabilang kompanya, ang Liondelle Corp. Kilala na mortal na magkakumpetensya ang Liondelle at Vergara pagdating sa industriya. Ngunit dahil sa pagsanib ng Savilla sa Liondelle, nanganganib ngayon ang estado ng kompanya ng mga Vergara.

Hindi matanggap ng Chairman ng Vergara Corp. ang nagawang desisyon ng mga Savilla. Hindi niya magawang tanggapin na mas lalakas ang kalaban niyang kompanya at maiiwan sa ibaba ang kompanya na itinayo niya gamit ang kanyang sariling pawis at dugo. At hindi niya lalong magagawang tanggapin ang katotohanan na tinanggihan siya ng pamilya na itinuring niyang pinakamalapit na kaibigan.

"Sir?" Halos hindi maipinta ang mukha ng executive secretary nang marinig nito ang biglaang utos ng Chairman.

"Siguraduhin mong malinis."

"Ye..Yes sir." At kahit hindi makapaniwala sa utos ng Chairman ay hindi na nagawang tumanggi pa nito. Nangangatog ang tuhod na tinungo ng secretary ang pinto palabas.

Limang araw ang nakalipas at limang araw na ding walang maayos na tulog at pahinga ang Chairman ng Vergara Corp. Inuusig siya ng kunsensya sa pinapagawa niyang pagganti sa mga Savilla. At dahil doon ay agad niyang ipinatigil ang planong pagpatay sa mga ito.

Triple Danger: Treacherous Couple! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon