CHAPTER 15 - Accident Prone Ka Ba?

Začít od začátku
                                    

(Above Me by Rufio for reference)

Biglang nahinto sa pagkanta si Mike kaya naman napatingin ako sa direksyon kung saan nakatingin ang mata niya.

"Migs, labas muna kami, bili lang kami pagkain." Sabi ni Rico sabay sinenyasan yung iba na lumabas.

"Hi Anne. Get well soon, okay?" bati ni Mike kay Anne sabay pat sa ulo nito. WTF! Ano yun? Tsk.

"Oh hi, Sir?" sabay tingin nilang lahat sa kausap ni Rico. "Ano pong ginagawa niyo dito? Wala po ba kayong klase?" tanong ulit ni Rico.

Etong si Rico feeling ko may alam din to eh, siguro nakatunog na din base sa mga impormasyon na sinabi sa amin ni Anne noon at sa picture na nakita naming ni Rico sa wallet ni Anne. Well, ako may alam talaga kasi naikwento na nga sakin ni Anne. Alam ko na kapatid niya si Andrew pero 'di daw pwedeng malaman ng iba. Hindi ko alam kung bakit pero parang takot na takot talaga si Anne na malaman ng iba na isa siyang Chua.

"Ang bait nyo naman Sir!" singit ko. "Ibinilin po ba ni Dean si Anne sa inyo?"

"Ah yes, your right. I should be leaving too, may gagawin pa ako. Anne call me if you need something okay?" buti nalang at mukhang na gets ni Andrew.

Pag labas nilang lahat ay saka lang lumapit si Anne sa akin. Nakasakay siya sa wheel chair at puro galos at pasa ang mukha. Aww. Mukhang napuruhan ata talaga siya. We got there a little too late kaya naman nasaktan siya ng husto. Tsk. I'm so slow.

"You!" sigaw niya sakin.

"Bakit?!" kagulat naman to. Bigla bigla nalang naninigaw.

"ikaw, tanga ka ba talaga?!" Muling Singhal niya sa akin.

"Ganyan na ba mag thank you ngayon huh? kailangan may tanga pa?" Sarkastikong tugon ko matapos siyang irapan.

"Tsk. Ang tanga-tanga mo talagang fallen angel ka! Di ba sabi ko naman sa inyo 'di ko kailangan ng tulong?! Tignan mo tuloy nangyari sayo. Ha! Tignan mo! May cast na naman 'yang kamay mo! Pa'no kung tuluyan ka ng di makatugtog ha?! Kakayanin mo ba yun? Hirap kasi sayo Migs di ka nag iisip eh, sugod ka ng sugod. 'Di ba sinabi ko naman sayo wag mong itatapon ang sarili mo sa away? Tsk. Nakakaasar ka naman eh. 'Di ka talaga marunong making!" Mahabang litanya niya sa akin habang tila naiiyak pa sa inis.

Speechless ako sa sinabi nya. She seems concerned kahit na sinisigawan niya ako at hindi ko din alam kung bakit ako nakangiti ngayon.

"Nginingiti mo d'yan? Aish, baliw ka na talaga!" singhal niya sakin habang may kasunod pang pag irap.

"Wala naman, ang saya ko lang. Nag alala ka ba?"

"A-ako? Asa ka! Ba't naman ako mag aalala sayo?" Tanggi niya.

"Hahaha. Oo nga naman. Anyway, good thing you're safe."

"Ewan ko sayo Miguel babalik na ko sa kwa~" di ko na siya pinatapos sa pagsasalita. Mabilis akong lumapit sa pwesto niya at niyakap siya bigla mula sa likod gamit ang isang kamay na walang cast.

"Hoy! Ano ba~" reklamo niya. Pero hindi ko muna siya pinansin.

"It feels good. Kanina ko pa talaga gustong gawin 'to, kaya lang dinakdakan mo ko agad eh. Akala ko 'di ko maririnig yung sigaw mo. Kasi naman ikaw, lagi nalang napapahamak. Accident prone kaba? ... Salamat sa concern kahit na sinabi mong hindi, pero halata. Wag kang mag alala, kahit 'di na ko makatugtog pwede pa naman akong kumanta."

The KeeperKde žijí příběhy. Začni objevovat