Nakangiti akong nakatingin sa kanila habang mahimbing na silang natutulog sa aking yakap.

Even though sa telepathy lang kami nag-uusap ramdam ko ang pagkamiss nila sa akin.

Inayos ko ang pagkakahiga nila at saka nagtango sa sikretong silid kung saan nakatago ang mga laruan namin.

"Hi Kendy."-bati ko sa kanya kaya napatingin siya sa akin.

Kumaway siya sa akin habang ang isang kamay niya ang may dalawang hila na aso.

"Ilalabas mo ulit yang mga aso mo?"-biglang tanong ko nang mapansin kong lalabas sila sa secret room.

"Yes, they need to exercise"-sambit niya at saka na sila lumabas.

Napa-iling nalang ako dahil don.

Tinignan ko ang mga laruan ko, ang konti na lang.

Kailangan kong magdagdag.

Tinalikuran ko na silang lahat at naglakad na papunta sa kama ko. Matutulog na ako.

***
Kinabukasan:

"Have a great day Young Lady"-sabay sabay nilang sabi pagkalabas ko sa double door ng Dark Mansion.

Tumango lang ako at nagsimula ng maglakad.

Maaga akong pumapasok para walang makapansin sa akin na sa Dark Forest ako nanggaling.

Habang naglalakad ako sa hallway ay kita ko na konti palang ang mga nandito.

"Adrianna!!"-isang sigaw ang umalingaw-ngaw sa mahabang hallway.

Sinamaan ko ng tingin ang babaeng sumigaw na walang iba kundi si Elisana.

"Omg!! Nakabalik ka na! Kailan ka bumalik?!"-tuwang tuwang saad nito at saka ako niyakap habang nagtatatalon siya.

Miss na miss? Sensya na 'di rin kita miss.

"Hey... Stop... Wait."-inis na saad ko at saka ko siya tinulak nang konti.

"Ohh sorry"-mahinang tawang saad niya at saka lumayo nang konti sa akin.

"Kahapon nang umaga"-sagot ko sa tanong niya at pumasok na sa classroom.

"Akala ko kung ano na ginawa sayo ni Ava"-nag-aalalang saad niya kaya napatingin ako sa kanya.

"Bakit naman?"-tanong ko saka sinabayan nang pag-upo.

Umupo narin siya at saka humarap sa akin.

"Eh kala namin kasi eh plano nila ng Lolo niya iyun. Para mawala ka sa school"-kibit balikat na saad niya na muntik nang magpatawa sa akin.

Pffft. As if mawawala ako.

Magsasalita na sana ako nang biglang pumasok si Caspian na may dala-dalang ahas sa kanyang braso. Nasa likod naman nila ang ibang royalties na pansin mo ang distansya. Malaking distansya.

Nagulat siya nang makita niya ako pero napalihis din ito agad.

Pinagmasdan ko ang ahas na nakalingkis sa kanyang kamay.

Napataas ang kilay ko nang palihim habang pinagmamasdan silang dalawa.

"Caspian"-tawag ko sa kanya na ikinatigil nilang dalawa sa paglalakad papunta sana sa kanilang upuan.

"Hindi ka ba nabibigatan sa dala-dala mong ahas?"-biglang tanong ko na ikinalihis ulit ng kanyang tingin sa akin.

What's with him?

"How dare you bitch?! Who the hell are you?!"-biglang sigaw ng ahas na kanina lang ay nakalingkis kay Caspian.

Nanlilisik ang mga mata niyang naglalakad papunta sa akin harapan.

"What? Ikaw ba tinatanong ko? Si Caspian ang tinatanong ko kung nabibigatan na siya. Pero now alam ko na ang sagot"-nakangiting saad ko sa kanya at tumingin kay Caspian na di nakatingin sa akin.

"Hindi ka na nabibigatan di ba? Thanks to me"-saad ko at saka humarap sa babaeng nasa harapan ko ngayon.

Nanggigigil na siya ngunit hindi naman siya pumutak o nakipaglaban ng physical.

Nanlilisik ang mga mata nitong nakatingin sa akin.

Binigyan ko naman siya ng napakasweet na ngiti.

"Hello. Do you need something? Sorry hindi kita pinapansin kanina ah. It's just that hindi ka kasi kapansin-pansin. And you need to go to your chair na because our Prof. is coming"-nakangiting saad ko sa kanya at saka ko ginamit ang isa kong kamay para alisin siya sa harapan ko.

Ang laking sagabal kasi eh.

"What the heck! You'll pay for this bitch"-singhal nito at padabog na umupo sa tabi ni Caspian.

"Pffft. Ahahha that was a great scene Adrianna. Hindi ko inaasahan ang pagiging mataray mo"-tumatawang saad ni Elisana na sinabayan din ni Accuis at Kegan at ang iba pang nandirito.

Hindi ko na sila pinansin pa at tumingin sa prof namin.

It's because of Ava. Isang linggo at ilang araw din kaming mag kasama. Edi nahawaan ako ng kamalditahan niya. Pffft. Bad influence talaga siya kahit kailan.



✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴

Question:

Sino ang tinutukoy na dalawang aso ni Kendy?

Hayst. Ang sakit ng ulo ko kakaisip. Buti nalang natapos ko na ang chapter 44

Enjoy.

Keep safe and Stay healthy.

The Soul KeeperDonde viven las historias. Descúbrelo ahora