C H A P T E R 8

6 6 1
                                    

Karen

Maaga akong nagising mga 6:30 ngayon nandito ako sa kusina naghahanda ng almusal nakatulog naman ako ng maayos kagabi pero maaga akong nagising 4 am kaya nagpasya akong magluto na ng almusal namin

Iniisip ko din yung pinagusapan namin ni Arieyah na iiwasan ko ang transfer.. naghehesitate pa kasi ako kung gagawin ko yun may nasasabi sa aking gawin at meron naman wag pero kung hindi ko yun gagawin mauulit na naman yung nangyare sa akin

"Ohh siss ang aga mo namang gumising ako na nga dyan baka may masakit pa sayo " napairap naman ako sa sinabi ni Arieyah wala manlang good morning eh


"Wala man lang good morning tsaka wag mo nga akong gawing baldado kaya ko toh tsaka hindi naman ako nabalian " nakita ko naman siyang ngumuso


"Ito naman Good morning na po.." umupo sya sa upuan at hinintay akong matapos

"By the way sis next week na yung Foundation Day diba ?" napaangat naman akong nang tingin sa kanya na binawi ko rin

"Ohhh ano naman " patuloy pa rin ako sa pagluluto ng sinangag na favorite nya


"Itutuloy mo talaga yun " napahinto ako sa paghahalo at natulala alam ko naman ang ibig nyang sabihin ilang minuto rin akong di nagsalita pero tinuloy ko na yung paghahalo sa niluto ko

"I don't know " nasabi ko nalang


"Aisst wag nalang kaya natatakot ako sa mangyayare ehh syempre naging close na kayo tapos iiwasan mo..... Basta ba lagi akong nasa tabi mo para walang bully... Hindi mo naman kailangang gawin yun sis lalo na pa't napamahal na si Keyed sa kanila kahit sa konting panahon" napayuko naman ako sa sinabi nya may point sya pero ayoko naman na lagi syang nakabantay sa akin para lang walang mambully sa akin hindi ko sya inimik sinalin ko na yung sinangag sa plato at nilagay sa mesa pansin ko ang mga tingin nya sa akin pero pinagsawalang bahala ko lang yun


"Kumain ka na tatawagin ko na si Keyed para makapasok na tayo " pumunta na ako sa kwarto ni Keyed at ginising sya nahirapan pa ako kasi napaka tulog mantika nya pero nagising ko kaya wala nang naging problema pagkatapos nun dumiretso ako sa kwarto ko at naligo na at nagbihis balak ko sanang mauna nalang kaso magcocommute pa ako

"Kain na sis maliligo lang ako " sabi nito at dumiretso sa banyo


"Ate sa Monday pala mag oovernight kami sa school " napalingon ako kay Keyed dahil sa sinabi nya


"Overnight ? Kayong magkakaklase ?" Tumango lang ito habang patuloy sa pagkain


"Sige basta ba itetext mo ako kapag uuwi ka na at para masundo ka namin ni Arieyah umayos ka ha " it's Thursday so sa next Monday pa yun buti nalang at sinabi nya nang maaga


𝐈𝐭'𝐬 𝐘𝐨𝐮, 𝐒𝐭𝐢𝐥𝐥 𝐘𝐨𝐮Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon