PROLOGUE

37 8 2
                                    

Ito ang kuwento ko tungkol sa dalawang taong kailangan kong piliin.

Ang lalaking lihim kong minahal, pero niloko ako para lang sa kanyang sariling kapakanan. Lalaking kinasusuklaman ko dahil sa kagaguhan niya. Na nagpakitang muli upang sabihin na mahal niya ako.

O

Ang lalaking transfer kasama ang kanyang mga kaibigan, na gumulo sa buhay ko, dahil sa kanilang pagiging kilalang tao sa buong Univeristy. Lalaking hindi ko aakalain na mapapalapit at mahuhulog ang loob ko sa kanya.

***

Hindi ko akalain na darating ang araw na, mas gugulo ang buhay ko dahil sa kanila, lalo na nang dumating na muli ang lalaking kinasusuklaman ko ng sobra. Sa gano'ng situwasyon mas lalo akong napalapit sa gagong lalaking anak ng Dean, si Matthew. Na sa pagiging gago niyang lalaki hindi ko namalayan na minamahal ko na pala siya.

Hindi ko masasabi na naging perpekto ang istorya namin dahil may kaagaw ako sa buhay niya, gano'n din siya sa' kin. Pero naging matatag ako, na kahit anong pagsubok ang kaharapin ko at kahit anong sakit at paninira ng iba, alam ko sa sarili ko na mahal ko siya at mamahalin din niya ako. Kahit na siya rin ay nasaktan din, dahil sa katangahan ko. Alam ko sa sarili ko na siya pa rin at siya pa rin ang pipiliin ko.

Ako si Karen Aoimine Rebulosyon at ito ang aming istorya.

' It's   You,   Still   You '

𝐈𝐭'𝐬 𝐘𝐨𝐮, 𝐒𝐭𝐢𝐥𝐥 𝐘𝐨𝐮Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon