"Pero mas may isang galit pa kaysa kay Xerox. Nanahimik lang para hindi mahalata." si Light at bakas na bakas ko sa tinig niya ang panunuya nang bumaling kay Helix na nasa driver seat.

Sumilip naman ako sa banda nila para tignan si Helix dahil hindi ko siya makita mula rito sa likod ko. Bumalanghit ng tawa si Xerox ng bahagyang mapatalon si Helix nang makita niya ako sa gilid niya.

He cursed in surprise and I laugh too. Salubong ang kilay niya kanina pero nang makita ako ay mabilis napaayos.

"Bakit naman magagalit si Helix? He can understand that me and Pierce were friends." sabi ko at tinapik ang balikat ni Helix.

"Naiintindihan niya kaso may isang dahilan kung bakit 'yan nagagalit." si Light at bumaling kay Xerox.

"Selos! Selos! Seloso!" pakantang sinabi ni Xerox at umayos naman ako ng upo. Kumunot ang noo ko at naghalakhakan ang dalawa. Napaayos naman ng upo si Helix.

"Nakahawak na sa tenga, nakayakap pa ng dalawang beses si Pierce habang siya hanggang titig lang mula sa malayo. Ang saklap. Iyong gusto mo siyang ilayo pero wala kang magawa kasi narito ka nakaupo." si Xerox. Light suppress his laugh. Bumaling si Helix sa kanya na madilim ang mga mata.

"Shut up, Xerox!" mariin niyang sinabi pero mukhang hindi man lang natakot si Xerox at nagawa pang tumawa. Napailing na lang ako. Mabuti at bumalik na rin kami sa dati. Gusto ko talagang kutusan siya sa ginawa niya noong mga nakaraan pero pinigilan ko na lang ang sarili ko. Sapat na narito kami at magkakasama ulit.

"Titigil na. Tara na sa salon. Ililibre ko pa 'tong si Raiven nang hair treatment niya." Xerox turned at me and wiggled his eyebrow. Bahagya akong natawa at pinaandar na ni Helix ang makina ng sasakyan. Nagtungo na kami sa Mall. Wala naman akong gagawin pagkatapos na maihatid si Pierce.

I need a hair cut too so I agreed with Xerox. Isa pa libre niya. I think this is a good chance to payback for his cold treatment for the past weeks. I'm wearing a red long sleeve top and a maong skirt partnered in a black boots. Habang ang tatlo ay nakasuot ng mga shirts at jeans with their sneaker na bumagay sa kanilang lahat.

Pagkapasok sa Mall hindi na ako nanibago sa reaksiyon ng mga tao. Nagsibalian ang mga leeg nila habang naglalakad kami. Bigla akong inakbayan ni Xerox at agad akong suminghal sa kanya dahil ang bigat ng braso niya. Sinuway siya ni Helix pero hindi siya nakinig at tumawa si Light.

"You're getting to his nerves, Xerox." bulong ko at tumawa lang siya sa akin.

"Let's see what he'll do then. Ang sarap asarin ni Helix. Namiss ko 'tong gawin at siya ang unang makakaranas."

"Mabuti na lang at hindi ako ang napagtripan mo." bumaling siya sa akin.

"Takot ko lang na masipa mo ulit! Nasa final stage na ako ng recovery process baka maudlot pa kapag naulit. Maunahan pa ako ni Pierce na maka recover." siniko ko siya at kunyari siyang napadaing sa sakit. Umiling na lang ako at pinagpatuloy namin ang paglalakad.

Xerox smiled sweetly at the girls that make them giggle. Nagsalubong ang kilay ko. Si Helix at Light ay tahimik lang at seryoso ang mga ekspresyon habang nasa tabi ko. Hindi alintana ang tinginan sa kanila. Mukhang sanay na.

Pumasok kami sa isang salon. May kaunting tao sa loob at agad napatingin sa amin ang mga crew na nasa loob. Hindi ko sila masisisi dahil sa tatlo kong kasama sa tabi ko. Agad na naningning ang mga mata ng babae. Lihim naman na napahagikhik ang mga bakla na nag-gugupit roon.

"Good afternoon Ma'am. Welcome to our salon. Salamat sa pagdala ng magandang tanawin sa loob." salubong sa akin ng isang bakla. Nagsiupuan ang tatlo sa bakanteng upuan.

Ruling The Last Section (Season 1)Where stories live. Discover now