Kapitulo XXX - Last Chapter

4.1K 269 49
                                    

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at sinalubong ako ng kadiliman ng silid. Ang tanging nagbibigay liwanag lamang dito ay ang ilaw mula sa lampara. Sinubukan kong igalaw ang aking mga kamay, ngunit agad akong napadaing nang maramdaman ang bahagyang pananakit ng mga natamo kong sugat sa katawan.

"Astra!"

Sinubukan kong ipilig ang ulo sa kabila upang maaninag kung sino ang tumawag sa akin at agad namilog ang mga mata ko nang makilala ang kaibigan. "S-Steffy?"

Nilapit niya ang kanyang upuan sa aking kama at hinawakan ang nanlalamig kong kamay. Doon ko lamang napansin ang itim na cloak na suot niya nang ibaba niya ang hood nito. Napaawang ang aking bibig nang may maalala. "Ikaw ba ang sumagip sa akin?"

She looked at me like I said something weird. "Sa tingin mo ba ay kaya kitang buhatin, Astra Calliope?" may bahid-sarkasmong aniya kaya napanguso ako.

"Nasaan tayo?" pag-iiba ko ng usapan. Napalingon ako nang biglang bumukas ang pinto ng silid at pumasok ang isa pang taong nakasuot din ng itim na cloak katulad ng suot ni Steffy.

Bakas ang pag-aalinlangan sa mga mata ni Steffy nang magkatinginan kaming dalawa kaya napakunot ang noo ko. "Si-sino ka?" tanong ko nang makalapit siya sa amin.

Huminto siya sa tabi ni Steffy bago dahan-dahang ibinaba ang kanyang hood at inangat ang tingin sa akin. Agad kong nakilala kung sino iyon nang masinagan ng ilaw ng bitbit niyang kandila ang kanyang mukha. Namilog ang aking mga mata at napabalikwas mula sa pagkakahiga, ngunit agad ko iyong pinagsisihan nang maramdaman ang matinding kirot dulot ng bahagyang pagbuka ng aking mga sugat sa tagiliran.

Agad akong dinaluhan ni Garethe at Steffy. "A-Astra, don't force yourself too much! Your wounds have not fully healed yet," pigil sa akin ni Steffy.

Galit kong tiningnan si Garethe at binawi ang aking braso mula sa kanyang kamay. "Bakit ba sa tuwing may nangyayaring masama sa akin o sa pamilya ko ay naroroon ka? May kinalaman ka na naman ba rito, de Grande!?" singhal ko sa kanya.

Napapabuntong-hininga siyang umupo sa bakanteng upuan bago itinukod ang kanyang mga siko sa tuhod at hinilamos ang mga palad sa mukha. Pagkaraan ng ilang sandaling pananahimik ay muli siyang nagsalita. "Would you believe me if I tell you everything I know?" napapaos na tanong niya sa akin.

Natahimik ako sa kanyang sinabi nang mapagtantong kahit kailan ay hindi ko man lang pinakinggan ang mga paliwanag niya sa loob ng limang taon mula noong binawian ng buhay ang aking kapatid at ama. Whenever I see him or hear his name, I can't help but remember the tragedy that happened to my twin brother. I don't think I will ever consider him innocent, lalo na't limang taon na ang nakalipas ay wala pa rin kaming mahanap na leads sa tunay na suspect.

Inangat niyang muli ang tingin sa akin at napansin ko agad ang pamumula ng kanyang mga mata. "I was not the one who killed your brother, Astra..." panimula niya. Naramdaman ko agad ang pag-iinit ng aking mga mata kaya napaiwas ako ng tingin sa kanya. "Kahit gaano pa ka-desperado ang aking ama na ako ang pumalit sa trono ng prinsipe, never have I ever wanted to cause any harm to you or your brother and benefit from it."

Nagsalubong ang aking kilay at kuryosong napabalik ang tingin sa kanya. "W-what do you mean?"

Naikuyom niya ang kanyang kamao at ibinagsak ang tingin sa sahig. "Noong gabing nakita mo ako sa enchanted forest, hinahanap ko kayong dalawa ni Sage dahil natunugan ko ang masamang balak sa kapatid mo matapos nilang malaman na siya ang pinili ng propesiya bilang susunod na tagapagmana ng trono," paliwanag niya bago napatiim-bagang. "Sage and I already anticipated that something like that might happen, so we tried to lure them into our bait during his supposed coronation day, pero hindi namin inaasahang bigla silang magbabago ng plano. Your brother made himself the bait to capture the real enemy... but I was a second too late."

Nexus Academy: The Enchanted HomeWhere stories live. Discover now